30-anyos, hubad, may tali sa leeg... Bangkay ng babae, itinago sa ref

by Jeff Tumbado @News | September 18, 2026

Photo: Circulated
Isang bangkay ng 30-anyos na babae ang natagpuan sa loob ng refrigerator sa inuupahan nitong apartment sa Rodriguez, Rizal, nitong Miyerkules ng umaga, Setyembre 16.
Ayon sa pulisya, nitong Setyembre 10, nagtungo ang may-ari ng apartment sa unit ng babae upang papirmahin siya sa kontrata, ngunit walang sumagot.
Ilang araw ang lumipas nang napansin ng may-ari ang mabahong amoy na nagmumula sa unit.
Dahil dito, agad siyang humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Nang pumasok ang mga pulis sa apartment, doon nila natagpuan ang biktima na wala nang buhay at nasa loob ng refrigerator.
Ang biktima ay half-naked, nakabaluktot ang katawan at may tali sa leeg.
Ayon sa Rodriguez Police, posibleng sinakal ng tali ang biktima bago inilagay sa refrigerator.
Ani Rodriguez Police Chief PLt. Col. Arwyn Gaffud, nasa limang araw nang patay ang biktima bago natagpuan ang kanyang bangkay, batay sa paunang pagsusuri at timeline ng imbestigasyon.
Patuloy na inaalam ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng babae at kung sino ang huling kasama nito bago nadiskubre ang karumal-dumal na sinapit.
Samantala, nanawagan ang Rodriguez Municipal Police Station sa publiko na tumulong sa pagkilala sa biktima.





Comments