Ka-level na nina Marian, Bea, etc… ZEINAB, VLOGGER NOON, ENDORSER NA NGAYON
Updated: Aug 8, 2022
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 7, 2022
Ang bongga ng social media star at vlogger na si Zeinab Harake, endorser na rin ito ngayon!
Yes, that's true… dahil siya lang naman ang latest ambassador ng Beautederm product na bagong ini-launch ng CEO ng kumpanya na si Ma'm Rhea Anicoche-Tan, ang oral care na Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair!
Sinisimulan ng Beautéderm Corporation ang month-long 13th anniversary celebration nito sa opisyal na pag-launch kay Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador.
Ang Koreisu ay whitening toothpaste rin na mayroong activated charcoal na nagtatanggal ng mantsa sa ngipin at 'di kanais-nais na amoy.
Bilang isang certified star na may humigit na 50 million followers across such platforms gaya ng Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at YouTube, isa si Zeinab sa pinaka-influential na personalidad sa social media ngayon sa pamamagitan ng kanyang mga lifestyle vlogs at challenge na paborito ng mga netizens 'di lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo na rin.
Bilang batang artista, mahalaga para kay Zeinab ang dental at oral health na madalas niyang banggitin sa kanyang vlogs kaya naman swak na swak na siya ang brand ambassador ng Koreisu and Etré Clair.
“Para sa akin, kailangan nating alagaan at i-prioritize ang oral hygiene. Palagi kong ipinapaalala sa mga viewers ng aking vlogs na kailangan nating magsepilyo tatlong beses sa isang araw.”
Of course, super-happy si Zeinab ngayong opisyal na siyang bahagi ng pamilya ng Beautéderm kung saan kilala ring endorsers nito sina Marian Rivera, Bea Alonzo, Maja Salvador, Piolo Pascual, Arjo Atayde, at marami pang iba.
“Malaking karangalan para sa akin na maging bahagi ng pamilya ng Beautéderm. Ramdam ko ang pagmamahal nila nu'ng sinalubong nila ako,” sabi ni Zeinab.
“Grateful ako sa tiwala nila sa akin na i-represent ang Koreisu dahil ibang -iba ito sa lahat ng mga toothpaste na ginamit ko dati. Perfect din ang Etré Clair dahil talaga namang fresh na fresh ang breath ko dito at pinoprotektahan pa nito ang aking bibig in an instant. I could really feel that my teeth and gums are fully protected with Koreisu and Etré Clair…nasa next level talaga sila.”
Ang Beautéderm President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan naman ay excited din na makasama si Zeinab sa lumalaking pamilya ng Beautéderm.
“Very welcome addition si Zeinab sa aming pamilya at siguradong very instrumental siya para maabot namin ang mas bata at mas malawak na merkado dahil sa kanyang kamangha-manghang platforms,” ayon kay Ma'm Rei.
“Zeinab is so genuine and sweet. What you see is what you get. Nakikita ko siya bilang isang masayang baby at ang sarap niyang makatrabaho. I am honored to have her as my newest brand ambassador.”





Comments