top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ka Freddie, para 'di masira… MAEGAN, HINARANG NA MAIPALABAS ANG LIFE STORY SA MPK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 21, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 21, 2022



Maraming viewers ang nagulat at nagtaka nang hindi mapanood ang The Maegan Aguilar Story noong Sabado na bahagi ng 20th anniversary presentation ng Magpakailanman (MPK) hosted by Mel Tiangco.


Naipasilip na kasi ang teaser ng Listen to My Heart: The Maegan Aguilar Story kaya inaabangan ang pagpapalabas nito sa GMA-7. Pero last minute, ang Rose Vega Story ang biglang ipinalit at napanood.


May paliwanag naman ang production staff ng MPK tungkol sa pagkaka-shelved ng The Maegan Aguilar Story at galing mismo ito sa headwriter ng show na si Senedy Que.


Aniya, mahirap kausap si Maegan Aguilar at paiba-iba ang moods. Two parts dapat ang kanyang istorya sa MPK na ang script ay isinulat ni Gina Marissa Tagasa.


Pero ang bigat ngang dalhin ni Maegan kaya minabuti na lang ng MPK staff na huwag na munang ipalabas ito. At bilang proteksiyon na rin sa imahe ng music icon na si Freddie Aguilar dahil bahagi rin siya ng kuwento ng buhay ng kanyang anak.


Sayang na sayang ang effort ng buong team ng Magpakailanman at gastos sa mga artistang kinuha.


Nasayang din ang acting ni Sanya Lopez na gumanap bilang si Maegan Aguilar.


Pero ang tiyak na aabangan ng lahat ay ang magiging finale ng anniversary episode ng MPK kung saan si Bea Alonzo ang bibida. Siguradong bongga ang istorya na gagawin sa guesting ni Bea.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page