top of page
Search
  • BULGAR

Ka-double date sina Coco at Julia… SEN. LITO, IBANG BABAE ANG KASAMA SA SPAIN, 'DI SI LORNA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 9, 2024



Showbiz news


Hindi na kailangan pang umamin nina Coco Martin at Julia Montes na sila ay magdyowa na in real life.


Ang latest update kasi sa dalawa ay magkasama silang pumunta sa Spain with their friend Senador Lito Lapid na may kasama ring girl. 


So, bale foursome silang namasyal sa Spain. Sey n’yo, mga Marites? 

Pero wait lang, hindi si LT a.k.a. Lorna Tolentino na nali-link ngayon kay Sen. Lito ang kasama niya sa Spain, ha? 


Well, ang sarap talaga ng rich na, sikat pa, sa true lang!


'Niwey, napansin lang namin na medyo malaki na ang katawan ni Julia ngayon at parang pang-nanay na. Pero wala naman itong inaamin sa matagal nang nababalita na tatlo na ang mga anak nila ni Coco.


Boom, ganernnn!


 

ITINALAGA ng ABS-CBN Corporation ang dating ABS-CBN president at CEO na si Ma. Rosario “Charo” Santos-Concio bilang bahagi ng board of directors ng kumpanya.


Sa isang disclosure sa stock exchange nu’ng Mayo 30, sinabi ng ABS-CBN na inihalal ng Board of Directors ng kumpanya si Charo bilang direktor na pinupunan ang bakanteng puwang ni Atty. Augusto Almeda-Lopez na pumanaw nu’ng Pebrero.


Nagsilbi si Charo bilang presidente at CEO ng ABS-CBN at humawak ng iba’t ibang tungkulin sa kumpanya kabilang ang chief operating officer, chief content officer, presidente ng ABS-CBN University, executive advisor at pinuno ng Channel 2 Mega Manila Management.


Itinanghal din siyang Asian Media Woman of the Year ng Content Asia, Woman of the Year ng Asia-Pacific Stevie Awards at tumanggap ng Gold Stevie Award sa Female Executive of the Year sa Asia, Australia, at New Zealand sa Stevie Awards for Women.


Nagtapos si Charo bilang cum laude sa kursong Communication Arts sa St. Paul’s College sa Maynila. Natapos din niya ang Advanced Management Program sa Harvard Business School nu’ng 2007.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page