top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jumbo Plastic Basilan, naghari sa MPBL 2021

BULGAR
Dec 27, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 27, 2021






Tatlong puntos lang siya subalit ipinasok ni Philip Manalang ang pinakamahalagang three-points kasabay ng huling busina ng overtime upang itulak ang Jumbo Plastic Medical Depot Basilan sa makapigil-hiningang 83-80 panalo kontra sa Nueva Ecija Rice Vanguards at mauwi ang kampeonato at P2-M sa Chooks-To-Go Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Invitational 2021 noong Huwebes ng gabi sa MOA Arena.


Matapos ang timeout at 1.9 segundo sa orasan, tinanggap ni Manalang ang pasa ni Michael Juico at agad itinira ang bola na naghudyat ng malaking selebrasyon.

Si Manalang ang napiling Finals Most Valuable Player kasama ang 6 assist at 2 rebound. Ang kanyang pamamayani ay malaking pagbawi matapos magka- COVID-19 noong Marso kaya hindi nakalaro ang Basilan sa semis ng MPBL Lakan Cup sa Subic Bay.

Tinabla ni Florencio Serrano ang laban na may 52 segundo sa orasan, 80-80. May pagkakataon ang Nueva Ecija subalit tinawagan ng travelling si Renz Palma at balik ang bola sa Basilan pero nag-timeout si Coach Jerson Cabiltes na ginawaran ng Ato Badolato Best Coach of the Tournament.


Na-OT ang laro dahil sa free throw galing sa foul ni Will Gozum, 74-74 , at hindi nakapuntos ang Rice Vanguards sa huling 18 segundo ng 4th quarter. Nagtapos na parehong may tig-15 puntos sina Juico, Serrano, Jay Collado at kapitan Jonathan Uyloan. Humakot ng 17 rebounds si Jay-R Taganas kasama ng 9 na puntos.

Nasayang ang double-double ni Tournament MVP Michael Mabulac na 24 puntos at 11 rebound subalit hindi umuwing walang baon ang Rice Vanguards na P500,000. Sinundan siya ni Justin Gutang na may 13 puntos.

Samantala, 3rd place ang Sta. Lucia-Pasig Realtors sa P200,000 matapos tambakan ang Buracai de Laiya-Imus, 100-80. Nanguna sina Jeckster Apinan na may 16 puntos at kapitan Jeric Teng na may 10 upang itanghal na Best Player.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page