top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

July 31 lang ikinasal… MAJA, HITSURANG 6 MONTHS NANG BUNTIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 4, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | December 4, 2023





Good news naman ang balitang pagbubuntis ni Maja Salvador.


Siyempre, blessing 'yun at bunga ng bongga nilang pagmamahalan ni Rambo Nuñez.


Nakita namin ang post sa kanyang IG Story kung saan naka-Christmas theme/background sila ng kanyang hubby, kasama ang dalawa nilang pet dogs.


Naka-display talaga ang malaking tiyan ni Maja na sa tantiya namin ay mukhang 5-6 months na.


Parang kelan lang 'yung ikinasal sila ni Rambo nu'ng July 31, aba't ngayon ay magiging pamilya na sila.


Maraming mga friends nila from showbiz ang bumati sa dalawa at gaya ng nakagawian na ng mga Marites, pilit hinahanap ng netizen ang pagbati ni Kathryn Bernardo.


Paano nga kasi, 'di ba lumabas din ang mga names nina Maja at Rambo pati na ang kanilang Crown Agency Management dahil sa balitang diumano ay may mga usapan na nga ng pag-manage diumano ng CAM kay Kath?


Expiring na kasi ang kontrata ni Kath at isa nga rin sa major items ng hiwalayang KathNiel ang concern na ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page