top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

JULIE ANNE AT RAYVER, MINURA AT GUSTONG PATAYIN, BASHERS IPINA-NBI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2023
  • 1 min read

ni Nitz Miralles @Bida | May 19, 2023



Mukhang nagpapraktis nang maging "one family" ang pamilya nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose dahil present ang dalawa sa kani-kanilang mga family events upang suportahan ang isa't isa.


Maganda ang ginagawang ito ng dalawang pamilya para pagdating ng araw na magpakasal na sina Rayver at Julie, hindi na sila magkakagulatan at wala na ring masyadong adjustment.


Sa birthday ni Julie noong May 17, nagsama-sama uli ang respective families nila ni Rayver at sa side nga ng actor-dancer, dumalo ang kanyang kapatid na si Rodjun Cruz kasama ang asawa nitong si Dianne Medina.


May iba pa silang common friends na nakisaya at naki-party din sa ginanap na birthday celebration ng Asia's Limitless Star.


Samantala, may mga nilalang na hindi masaya para sa magdyowang sina Rayver at Julie.


Minura nila ang dalawa at gusto pa ng mga ito na mamatay na ang celebrity couple.


At sa laki ng galit ng mga bahers na ito ay tinawag pa nilang "autistic" si Julie.


Ayun, ini-report na ang dalawang bashers sa NBI at pinayuhan din sina Rayver at Julie na magdemanda para maturuan ng leksiyon ang mga ito.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page