JULIE ANNE AT RAYVER, IPINAGSISIGAWAN SA SOCMED NA MISS ANG ISA'T ISA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 17, 2022

Nag-post si Julie Anne San Jose ng video sa kanyang Instagram account na nagwo-workout siya at ang caption ay: “Not MC related.”
Ang MC ay ang TV series nila ni Dennis Trillo na kasalukuyang umeere sa GMA-7 na pinupuri ng mga nakakapanood dahil sa mahusay nilang pagganap at maganda ang kuwento.
Nagkomento ang lalaking malapit sa puso ni Julie Anne na si Rayver Cruz, “Super fit pala ni MC, pede (puwede) po magpa-train (emoji white smiling face)."
Sumagot naman ang aktres, “@rayvercruz ako din pa-train ako sa 'yo po, miss kita (emoji smiling face with heart eyes).”
Papahuli ba ang aktor? Siyempre, sinagot din niya ang kanyang lady love na si @myjaps ng, “Miss you 3k (emoji smiling face with heart eyes).”
Kailan kaya pormal na aaminin nina Rayver at Julie Anne ang kanilang relasyon?
Sa upcoming concert kaya nila sa November, ihahayag na nila ang relasyon nila bilang advance Christmas gift sa kanilang mga supporters?





Comments