JULIA, TANGGAP NA ‘DI PA INAALOK NG KASAL NI GERALD
- BULGAR
- Sep 13, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 13, 2023

Bakit kaya naiirita at napipikon si Julia Barretto kapag tinatanong ng entertainment press kung kailan sila magpapakasal ni Gerald Anderson?
Diretsahan niya itong sinagot na wala pa silang pinag-uusapan ni Gerald tungkol sa kasal. Darating daw ‘yun sa tamang panahon at ayaw niyang magpa-pressure sa mga nangungulit sa kanya at inaapurang magpakasal na sila ni Gerald.
Kung si Gerald ay handa nang magpakasal at bumuo ng pamilya, it seems na wala pa ito sa agenda ni Julia. Ang kanyang career ang priority niya ngayon at nag-e-enjoy pa sa buhay-dalaga.
Hindi raw sila makikiuso sa mga showbiz couples na nagpakasal na tulad nina Maine Mendoza-Arjo Atayde, Lovi Poe-Monty Blencowe, Maja Salvador-Rambo Nuñez.
Marami pang plano si Julia sa kanyang buhay, kaya hindi siya nagmamadali na mag-asawa at magkaroon ng pamilya, hindi tulad ng ex-GF ni Gerald na si Bea Alonzo na nasa right age na para magpakasal.
Kaya no choice si Gerald kundi maghintay kung kailan magiging ready si Julia na magpakasal.
Ayaw ni Gerald na ma-pressure si Julia. Handa rin siyang suportahan ang mga pangarap at career ng nobya.





Comments