top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

JULIA, NAGSALITA NA SA SECRET WEDDING DAW NILA NI GERALD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 12, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 12, 2023



Mukhang wala sa mood si Julia Barretto nang maispatan at ma-corner ng media and entertainment writers sa Preview Ball 2023 na ginanap last Sept. 8.


Sa video na napanood namin ng nasabing interview, makikita si Julia na naglalakad (we don’t know kung papasok pa lang siya sa ball or palabas na) at nagsabi naman sa kanya ang mga press na, “Pa-interview naman.”


Tumigil naman siya para magpaunlak ng panayam. Ang unang tanong sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN ay kung totoong secretly married na sila ng boyfriend na si Gerald Anderson.


Natawa si Julia at sey niya, “No, walang ganu’n. Walang secret-secret. Mahirap magka-secret na ngayon sa mundong mabilis ang balita.”


Ang sumunod na tanong ay mula naman sa kasamahang si Melba Llanera. She asked kung io-open ba ni Julia if ever (na ikasal siya).


“Bakit n’yo ba kami minamadali?” ang sabi ni Julia na naka-smile naman. “You know, we’re just in a really... we’re just really happy where we are in life and I really don’t… I mean, it’s something to look forward to, pero ba’t n'yo ba kami minamadali?”


Sey naman ni MJ, kaya naman daw tinatanong nila ito ay dahil sa nakikita nilang ‘getting steady’ ang relasyon nila ni Gerald.


“Yeah, but I feel like when that moment comes, it’s uhmmm, I don’t know, I just, I feel like it’s something to be shared when the two people are ready to share such a thing. I don’t think that it’s something that should be asked constantly. I feel like when the time comes, it comes.


“And I don’t know why everybody is rushing us and uhm, but yeah, we’re really happy where we are. I’m really happy where I am in my life and uhm, I don’t know, we’ll just find out one day but it’s not gonna come from an interview,” pahayag ni Julia.


May follow-up question pa kay Julia about it, pero pinutol na ito ng aktres at sinabing, “Can we not talk about it?”


Pinagbigyan naman si Julia at ang itinanong na sa kanya ay kung kumusta ang mommy niyang si Marjorie Barretto.


“Okay, she’s good, thank you,” sagot ni Julia.


Tinanong pa ulit ang aktres about her mom at sagot naman niya, “She’s doing well. Thank you to everybody who sent their prayers. ‘Yun ang importante, okay siya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Oh, my God, hindi ko kaya.”


Huling hirit na tanong sa kanya ay kung ano ang feeling niya sa naging batian at pagbeso ni Gerald sa ex-girlfriend na si Maja Salvador.


“Oh, my goodness, Madam, that’s not the event for this. Ba-bye,” ang sagot ni Julia at saka tumalikod at dire-diretso nang nag-walkout.


Sari-sari ang naging reaksiyon ng mga netizens tungkol sa pagwo-walkout ni Julia. May nagsabing hindi naman daw talaga maganda ang question, pero may nagsabi ring attitude ang aktres dahil puwede naman niya itong sagutin.


“Hayyysss! Halatang-halata na napaka-attitude niya sumagot dito. Kung wala naman talagang problem, bakit ka matatakot sumagot and bakit mo kailangang magmaldita sa nag-i-interview?” komento ng isang netizen.


“Kasi kung sasagutin ni Julia ‘yan, may masasabi pa rin sila,” sey naman ng isa pa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page