top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

JULIA AT COCO, 10 TAON NANG NATSITSISMIS NA MAY RELASYON, AYAW PA RING UMAMIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 21, 2023




Umapaw ang pagbati kay Julia Montes sa kanyang kaarawan kahapon, March 19. Mapa-fans at mapa-celebrity nga, may sariling post ng pagbati at mensahe para kay Julia.


Kabilang na riyan ang post ni Carmina Villarroel ng pictures nila ni Julia sa isang recent event na nagkataong pareho silang guests. Nagtagpong muli sina Carmina at Julia after couple of years.


Matatandaang nagkasama ang dalawa sa afternoon Kapamilya teleserye na Doble Kara na umere mula 2015 hanggang 2017.


Naging close raw sila dahil unang pagkikita pa lang nila sa taping ay agad nang bumati at nagpakilala kay Carmina si Julia, unlike ng ibang baguhang artista na walang respeto sa mga veteran stars sa set.


Hindi raw malilimutan ni Carmina ang gesture na ‘yun ni Julia sa kanya and from then on, little sister na ang turing ni Mina kay Julia.


Caption ni Carmina sa latest Instagram post niya ng picture nila ni Julia sa isang showbiz event kamakailan, “Was so happy to see my little sister @montesjulia08 last night. As always, she went to our table and greeted me. Awwww! I missed you, sis ko. Please know that I love you. Grabe.


Ang ganda-ganda mo! See you again soon! Advance Happy Birthday, sis ko!”


Bukod kay Carmina, very open din sa pagpapakita ng pagmamahal kay Julia si Megastar Sharon Cuneta. In fact, nauna nang binati si Julia ni Mega on the eve of her birthday dahil ayaw niyang ma-miss ang birthday ni Julia without greeting her kahit siya’y nasa Amerika pa.


Kumalat din sa social media ang video kung saan makikita si Julia at ang rumored partner na bida sa ABS-CBN drama series na FPJ’s Batang Quaipo, walang iba kundi si Coco Martin.


Nandu'n din sa birthday celebration ni Julia ang iba pang cast ng Batang Quiapo, gaya ni Cherry Pie Picache.


Samantala, hanggang ngayon naman ay hinihintay pa rin ng mga fans ni Julia ang confirmation ng relasyon nila ni Coco especially sa kanyang 28th birthday.


Just imagine, almost 10 years na rin pala since naging item sina Coco at Julia, pero wala pa ring denial nor confirmation ang dalawa ukol sa nababalitang kasal nila at baby.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page