JUGS, PUMALAG SA POST NI MANAY LOLIT NA NAGPA-POWERTRIPPING SI VICE
ni Julie Bonifacio - @Winner | January 22, 2022

Kinorek ng It’s Showtime host na si Jugs Jugueta ang post ni Lolit Solis sa kanyang Instagram against Vice Ganda.
Ayon sa IG post ni Lolit, nagpa-power tripping si Vice sa It’s Showtime. Pinabulaanan naman ito ni Jugs when he posted his comment sa IG post ni Lolit.
“Sabi niya (Jugs), hindi totoo ang mga kumakalat na balita na marami ang discontented dahil sa mga nagaganap na power tripping sa (It’s) Showtime. According kay Jugs, happy lahat sila sa Showtime,” lahad ni 'Nay Lolit sa kanyang caption on her IG post.
Imbes na magalit ay pinasalamatan pa ni 'Nay Lolit si Jugs Jugueta sa pagkokorek sa kanyang post na nagpa-power tripping si Vice.
Na-appreciate raw niya ang comment ni Jugs sa IG post niya about Vice Ganda.
“Sana lahat ng celebrity, tulad ni Jugs, may oras para ituwid 'yung nabasa nila, mas appreciate namin iyon. Puwede naman kasi na mali ang information na nakuha namin, at puwede naman itong ituwid. Thank you, Jugs, for your time. Appreciate much,” diin pa niya.
Dahil sa pagtutuwid ni Jugs ng maling tsika kay Vice, naliwanagan si 'Nay Lolit.
“Well and good. Mabuti naman kung totoo dahil sayang din, 'di ba? Medyo matagal na rin ang Showtime, sayang kung mawawala ito dahil lang may gustong mag-power trip. Lalong sayang kung babagsak si Vice Ganda dahil lang sa pagbabago ng ugali, eh, bihirang mangyari na nagkaroon ng celebrity na tulad niya na tinanggap ng publiko,” sabi pa ni 'Nay Lolit.
Dapat daw talaga na maging maganda ang samahan ng mga hosts ng It’s Showtime dahil araw-araw silang magkakasama and supposed to be, parang magkakapatid na ang kanilang turingan.
Sa pagtanggap ni 'Nay Lolit sa pagkaklaro sa kanya ni Jugs, muling nag-post ng comment ang It’s Showtime host sa beteranang talk show host.
“Thank you po, Tita! Keep safe always!” comment ni Jugs sa IG post ni 'Nay Lolit.
Bumilib ang mga netizens sa pagtatanggol ni Jugs for his co-host sa It’s Showtime na si Vice.
At the same time, hinamon naman ng ibang netizens si 'Nay Lolit na ilantad ang kanyang source na nagsabing nagpa-power trip si Vice sa Kapamilya noontime show.
“Nagsalita na si Jugs. Dapat po, sabihin n'yo na rin kung sino po Marites na nagsasabi sa inyo po para ma-reveal na lahat. Kung wala kayong masabi na name, ibig sabihin po, kayo si Marites . Jusko! Reveal dapat, hindi 'yung kausap mo po si Salve. Haist, Marites!"
Samantala, kahapon ay ipinagdiwang sa It’s Showtime ang birthday ni Jugs. Ka-birthday niya ang mga celebrities din na sina Glaiza de Castro, Richard and Raymond Gutierrez, Jay-R Siaboc at Mari Kaimo.





Comments