Judge niratrat ng riding-in-tandem, todas

by Jeff Tumbado @News | November 13, 2026

Photo: Circulated
Patay ang isang Regional Trial Court Judge makaraang pagbabarilin ng hindi pa batid na mga salarin na lulan sa motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Tumaga, Zamboanga City Huwebes ng madaling-araw, Nobyembre 12.
Nakilala ang biktima na si Judge Joseph Wee Sit, Presiding Judge ng RTC Branch 2 sa Isabela City, Basilan.
Lumalabas sa imbestigasyon na sakay ng SUV ang hukom nang biglang dikitan ng riding-in-tandem bago pinagbabaril alas-5:25 ng madaling-araw.
Patungo sana sa pantalan ang hukom at sasakay ng RoRo para tumawid ng Isabela City.
Nasawi ang biktima bunsod ng tinamong anim na tama ng bala ng baril sa katawan mula sa. 45 baril.
Rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at agad nagsagawa ng follow-up operation laban sa mga salarin.





Comments