Juday, to the rescue… ANGELICA, INAATAKE NG POSTPARTUM SYNDROME
- BULGAR
- Oct 1, 2022
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 1, 2022

Pinagdaraanan ngayon ni Angelica Panganiban ang tinatawag na postpartum syndrome na kadalasang nae-experience ng mga bagong mommies. Nakakaramdam sila ng lungkot at melancholia at basta na lang iiyak nang walang dahilan.
Kaya pinayuhan si Angelica ng kanyang partner na si Gregg Homan na dumalaw o bumisita sa kanyang Ate Juday (Judy Ann Santos) upang malibang at makalimutan ang kanyang depression.
Masayang-masaya naman ang Agoncillo Family especially Juday and Luna na makita si Baby Amila nina Angelica at Gregg Homan. Tuwang-tuwa si Luna nang kargahin ang baby ni Angge.
Bilang isa na ring mommy, may mga advise si Juday kay Angelica. Natural lang daw ang mga nararamdaman nito at lilipas din ito kapag nakita na niya ang progress ng paglaki ng kanyang baby.
Sobrang naging close sina Juday at Angge nang magkatrabaho sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes. Hindi lang sila mag-BFF kundi parang magkapatid na. Itinuring na ni Angge na ate si Juday kaya madalas ay humihingi siya rito ng payo.
Comments