top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

JUDAY, MAY LOVE SCENE SA KAPWA BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 6, 2026



Judy Ann Santos-Agoncillo sa Call My Manager - IG

Photo: Judy Ann Santos-Agoncillo sa Call My Manager - IG



Tuwang-tuwa ang mga viewers ng series na Call My Manager (CMM) sa mga eksena ni Judy Ann Santos na gumaganap na lesbian at ang ipino-project na girl ay si Carla Humphries. 


Nagte-trending sa HBO ang series at isa sa mga rason ay ang pagiging tibo ni Judy Ann.

Ang eksenang napanood namin, may love scene sina Judy Ann at Carla at may kissing scene at bed scene pa. Hindi lang ang mga tibo ang nag-e-enjoy dahil pati mga beki, enjoy sa eksena nina Judy Ann at Carla.


May comment na, “#queenjuday is such an amazing and incredibly remarkable actress. She never fails us. Ang lakas din naman talaga ng chemistry nilang dalawa, as in ang kilig, lakas... she’s truly a magnetic star in all ways... lakas ng charisma.”



  • BIDA - JUDAY, NAKIPAGTIKIMAN NA RIN SA KAPWA BABAE_IG _officialjudayph


Sabi naman ng isa pa, “Kahit na anong role, kaya ni Juday. Magaling kasi na artista.” 

May nagsabi ring, “Nakakakilig naman, ‘di talaga s’ya mahirap hanapan ng partner, mapa-babae, lalaki, bakla, tomboy, swak na swak sa kanya.”


May request naman na bigyan ng offbeat role si Judy Ann. Isa pang request, magkaroon ng reboot ang pelikulang T-Bird at Ako nina Nora Aunor at Vilma Santos na sina Judy Ann at Claudine Barretto ang mga bida.


Ang nakakaloka pa, gumawa raw si Judy Ann ng GL o girls’ love movie na babae ang makakapareha ng aktres. Sawa na raw sila na puro lalaki ang leading man ni Judy Ann, dapat daw ay babae naman.


Well, papayag kaya si Ryan Agoncillo na gagawa ang wifey niya ng GL movie?





Mga Kapamilya fans, pumalag… 

CO-HOST NI VICE GANDA SA BAGONG SHOW, KAPUSO



SI Vince Maristela ang magiging co-host ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice (GGV) na magpa-pilot sa September 13. 


Natuwa ang mga Kapuso fans na Kapuso talent ang magiging co-host ni Vice, malaking tulong daw ito kay Vince para mas makilala siya pati ng Kapamilya fans.


Nagreklamo naman ang Kapamilya fans dahil sa GMA-7 na raw ang airing ng GGV, Kapuso pa rin ang co-host. Mas maganda raw kung Kapamilya talent para balanse. 


Natatakot ang mga Kapamilya fans na baka puro taga-GMA ang maging guests ni Vice sa kanyang show.


May nagsabi naman na isa lang si Vince sa mga co-hosts ni Vice, may iba raw itong co-host at kung totoo ito, wish ng mga Kapamilya fans na ABS-CBN o Star Magic talent ang kanilang mapapanood.





Ibinuking ni Bayani… 

RUFA MAE, PINILI NI JOHN LLOYD PARA MAKASAMA SA SHOW 



COMEDY pa rin ang gagawing show ni John Lloyd Cruz (JLC) sa GMA-7 at si Rufa Mae Quinto ang makakasama niya. 


Si Rufa mismo ang nagbalita nito, pero wala pang binanggit na title ng show.

Makakasama nila si Bayani Agbayani na kung matatandaan, siya ang unang nagbalita na gagawa ng sitcom si JLC sa Kapuso Network. 


Ayon pa kay Bayani, si JLC ang personal na nag-request kay Rufa Mae na makasama niya ito sa gagawing bagong show niya sa GMA-7.


Nag-post si Rufa Mae ng “Thank you, John Lloyd... See you soon!”


Mukhang bumabawi si Rufa Mae dahil bukod sa comedy show nila ni JLC, gumagawa rin siya ng comedy movie na may title na Sisikat si Sikat! (SSS). Kasama naman niya rito sina Thea Astley, Dustin Yu, Krystel Go, at Empoy, na gaganap na asawa ni Rufa Mae. Si Sigrid Andrea Bernardo ang director.


Kaya tama ang post nito na “When it rains, it pours” dahil dalawang projects ang kanyang gagawin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page