JUDAY, IBINULGAR ANG NAGING PARTE NI DANNY JAVIER SA BUHAY NIYA
- BULGAR
- Nov 2, 2022
- 1 min read
ni Julie Bonifacio - @Winner | November 2, 2022

Inalala ni Judy Ann Santos ang friendship nila ng yumaong singer at “one-third” ng sikat na grupong APO Hiking Society na si Danny Javier.
May malaking bahagi kasi si Danny at ang APO sa wedding nila ng kanyang mister na si Ryan Agoncillo.
Sa Instagram ni Juday ay nag-post siya ng madamdaming mensahe para kay Danny.
Caption ni Juday sa kanyang IG post, “My dearest Tito Danny... I will never forget your hugs, your smile.. your wisdom... how I nervously approached you to ask if APO could sing on our wedding day.. Suntok sa buwan ang ginawa namin.. at buong-puso n'yo kaming pinagbigyan..
tinupad n'yo at hinigitan pa ang mga pangarap na 'yun... hindi natapos sa gabing 'yun ang pagkakaibigan natin..”
Ayon pa kay Juday, “Nagkukumustahan pa rin tayo at nagkukuwentuhan paminsan- minsan...
Salamat Tito Danny.. salamat sa pagkakataong ibinigay mo para makilala kita nang husto..
Nakakalungkot.. mabigat.. pero ngayon.. tapos na ang paghihirap at sakit na dinaanan mo..
Oras nang magpahinga at maging maligaya sa langit.. mahal ka namin..."
Simpleng pink na broken heart din ang inilagay ni Ryan sa comment section ng IG post ng kanyang misis.





Comments