top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

JUDAY, GAME MAGTRABAHO SA GMA-7

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 18, 2023




Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Judy Ann Santos na may posibilidad na tumanggap siya ng project sa GMA Network.


Nakagawa na siya noon ng pelikula sa GMA Films, ang Ouija at okey naman ang naging relasyon niya sa Kapuso Network.


Open din si Juday sa pagsasama nila ni Claudine Barretto sa isang movie project. Feeling ni Judy Ann, dumating na ang tamang panahon upang magkasama at magkatrabaho sila ni Claudine. Tiyak na magiging masaya ang kanilang mga fans.


Dati-rati ay mahigpit na magkaribal sa popularidad sina Juday at Claudine.


Pinagsasabong sila ng mga fans dahil sa titulong Drama Queen sa bakuran ng ABS-CBN.


Pero sa interview ni Claudine nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niyang naging magkaibigan sila ni Juday at ito raw ang nagbigay sa kanya ng moral support noong panahon na marami siyang problemang pinagdaraanan.


Ngayong hindi na uso ang awayan ng mga fans, wish din ni Claudine na magkasama sila ni Judy Ann sa isang project. Magandang ideya ito at tiyak na bongga ang promo kapag ito ay natuloy.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page