Juday, Cherry Pie, Bela at Kim, present… BINYAG NG ANAK NI ANGELICA, STAR-STUDDED
ni Beth Gelena @Bulgary Files | February 8, 2023

Ibinahagi ni Angelica Panganiban sa Instagram ang magagandang kuhang larawan sa binyag ng anak na si Amila Sabine. Napakabongga ng binyag ng anak nina Angge at Gregg Homan. Star-studded ang kanyang baptismal party na viral sa social media platforms.
"Presenting, the ninongs & ninangs of Bean. #BEANyag," ang simpleng caption ni Angelica.
Ilan sa mga celebrities na nandu’n ay sina Judy Ann Santos, Cherry Pie Picache, Bela Padilla, Kim Chiu at Glaiza de Castro kasama ang mister na si David Rainey.






Comments