top of page

Jowa reveal sa V-Day… MAYMAY, PROUD NA PROUD SA GUWAPONG FOREIGNER BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 15, 2022
  • 1 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 15, 2022





Kasabay ng Valentine's Day kahapon, sinorpresa ni Maymay Entrata ang kanyang mga fans nu'ng i-post ng Kapamilya singer-actress ang larawan ng kanyang boyfriend sa social media.


Makikitang magkayakap si Maymay at ang kanyang BF na may view ng mountain bilang background.


Saad sa caption ni Maymay, "Happy birthday, my Valentino."


Dahil sa kanyang boyfriend reveal, napawi ang mga espekulasyong nakikipag-date umano siya sa bagong heartthrob na si Donny Pangilinan. Nauna pa rito ang sinasabing pagkakamabutihan nila ng dating kalabtim na si Edward Barber.


Pahayag ni Maymay, "Isa ito sa assumptions na sana ay ma-clear talaga. Hindi ako in a relationship with Donny or kay Edward man."


Ipinaliwanag niya kung bakit na-link siya noon kay Donny.


"Siguro, nagsimula 'yan kay Donny dahil kasama ko siya lagi sa iWant ASAP. Doon yata, may mga clips na parang nami-misunderstood nila 'yung mga galawan namin, na akala, nagtitinginan. Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala," mariing sabi ni Maymay.


Ibinahagi rin ni Maymay sa panayam na ngayon, hindi taga-showbiz ang nagpapaligaya sa kanya.


"Nabanggit ko naman po ito sa isang magazine na may nagpapasaya sa akin. Opo, hanggang doon na lang. Basta wala sa showbiz," aniya na ayaw pang banggitin ang pangalan ng kanyang foreigner BF.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page