top of page
Search
  • BULGAR

JOSHUA, MARUNONG SA GAWAING-BAHAY ANG HANAP SA BABAE

ni Beth Gelena @Bulgary Files | April 15, 2023




After ng serious relationship ni Joshua Garcia kay Julia Barretto ay ilang babae na rin ang na-link sa kanya.


Nariyan sina Ivana Alawi, Bella Poarch, Trina Guytingco, Ria Atayde at ang pinakahuli nga ay ang vlogger na si Bella Racelis.


Sa lahat ng mga nabanggit na babae, tanging si Bella Racelis lang ang sinasabing naging karelasyon talaga ng aktor.


Sa nakalipas na interbyu kay Joshua, nabanggit nito ang mga qualities na hinahanap niya sa future partner katulad ng pagiging God-fearing, family-oriented at dapat marunong sa mga gawaing-bahay.


Pero, lately lang ay may mga netizens na nakapansin na in-unfollow na ng nasabing vlogger ang young actor sa social media, habang si Joshua ay nananatiling naka-follow pa rin kay Bella.


Nang ma-corner si Joshua ng ilang press people upang hingan ng pahayag patungkol sa isyung ito ay hindi na nagbigay pa ng karagdagang pahayag ang aktor.


Samantala, inamin niyang single siya ngayon at sa tingin niya ay okay naman ang relasyon nila ni Bella.


"I think we're good," ang tanging sagot lang ni Joshua.


Noong una raw ay bothered siya sa mga babaeng pilit na inili-link sa kanya, pero ngayon ay dedma na lang siya rito.


"At first, naaapektuhan ako sa mga ganyan. Palagi akong nagbabasa ng mga tweets, ng mga comments, pero ngayon, hindi na, eh," aniya.



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page