JOSHUA, IBINULGAR NA PINUPUNASAN SIYA NG PAWIS SA LIKOD NI GABBI
- BULGAR
- May 28, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 28, 2023

Inaasar ni Joshua Garcia ang co-star niyang si Gabbi Garcia sa upcoming TV series na Unbreak My Heart dahil nang tanungin siya kung kumusta katrabaho ang GMA-7 artist, “Hayun, pinupunasan niya ako ng pawis sa likod at nagbibigay ng pagkain,” seryosong biro ng aktor na ikinagulat ni Gabbi.
“Hoy, hindi totoo, ah!” mabilis na sabi ng aktres na kunwa’y pupukpukin niya ng mic si Joshua.
Ganu’n ang biruan ng dalawa, pero siyempre, kinailangang ikorek iyon ni Gabbi dahil alam naman ng lahat na may boyfriend siya, si Khalil Ramos na kaibigan din naman ni Joshua.
Hindi naman sineryoso ng cast ng UMH ang sinabi ni Joshua dahil alam nilang biro lang ito, bagkus ay natawa sila dahil napa-react nito si Gabbi.
Samantala, magaan daw ka-work si Gabbi, say ni Joshua, kaya okay lahat at nag-enjoy sila kahit super-lamig at mahirap umarte habang nagsu-shoot sila sa Switzerland.
Say naman ng aktres, napakagaling na aktor ng leading man niya. Marami raw siyang natutunan at very generous daw ito sa lahat, bukod sa supportive at mahusay makisama sa lahat.
Ang Unbreak My Heart ay mula sa direksiyon nina Emmanuel Q. Palo at Dolly Dulu mula sa Dreamscape Entertainment na mapapanood sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies simula sa Mayo 29 sa ganap na 9:35 PM, at 11:25 PM sa GTV.
May advanced streaming din ito nu'ng Mayo 27 sa GMANetwork.com, iWantTFC at Viu.
Ang serye ay mapapanood din sa GMA Pinoy TV at TFC.
Ka-join sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, supported ito nina Direk Laurice Guillen, Sunshine Cruz, Nikki Valdez, Romnick Sarmenta, Victor Neri, Dionne Monsanto, PJ Endrinal, Maey Bautista, Marvin Yap, Mark Rivera at Eula Valdes, at maging ng mga up-and-coming young actors na sina Will Ashley, Jeremiah Lisbo at Bianca de Vera.








Comments