Joshua, 'di umubra kahit ipinu-push pa ni Maja... JANELLA AT MARKUS, INILANTAD NA ANG RELASYON
- BULGAR

- Sep 14, 2020
- 1 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 14, 2020

Siguro, isang taon na ngayong 2020 ang relasyon nina Janella Salvador at Markus Patterson kaya pinag-usapan nilang aminin na ito sa publiko.
First quarter pa lang ng 2019 ay maugong na ang balitang nagkakamabutihan na sina Janella at Markus at nang huli naming makatsikahan ang aktor sa mediacon ng iWant digital series na Kargo ay kinukulit siya tungkol sa aktres pero panay lang ang ngiti niya at nakiusap na huwag pag-usapan dahil hindi naman kasama sa series ang dalaga.
Maging si Janella nang huli rin naming makausap ay nabanggit niyang "What you see is what you get.”
Anyway, nag-post si Janella sa Instagram account niya nitong Sabado ng larawang magkayakap sila ni Markus na kuha sa Japan at ang caption ay: “The best hugs in the world from the best potato in the world.”
At si Markus naman ay itinweet ang video na sumasayaw silang magkayakap ni Janella sa awiting Me and Mrs. Jones sabay halik sa labi at ang caption ng aktor, “My world.”
Going back to Janella ay umabot sa 4,238 ang bumating kapwa artista at mga kaibigan nila ni Markus na masaya para sa kanilang dalawa.
Maraming boto sa dalawa at bumati sa kanila ng congratulations. Isa na rito si Maja Salvador na tiyahin ni Janella at nakasama sa teleseryeng The Killer Bride.
“So happy for you, My Emma! (heart emoji) Camilla will always be by your side. ALWAYS! I LOVE YOU (emoji heart).”
Hindi nagwagi si Maja sa manok niyang si Joshua Garcia na ligawan nito si Janella dahil nga may Markus na.




Comments