top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Jonvic, naturingang DILG Sec., takot sa mga protektor kuno ni Sen. Bato

Writer: BULGAR
BULGAR
22 minutes ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | September 14, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DILG SEC. JONVIC REMULLA, TAKOT SA MGA PROTEKTOR NI SEN. DELA ROSA? — Pinuputakti ng batikos si Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla patungkol sa sinabi niyang alam na nila ang pinagtataguan ng wanted na senador na si Sen. Ronald dela Rosa na may kasong crimes against humanity, kaya lang daw ay hindi nila magawang pasukin ang kinaroroonan nito dahil baka raw manlaban ang mga nagbibigay ng proteksyon sa senador at ang iniiwasan daw nila ay baka maraming mamamatay.


Mababatikos talaga sa isyung ito si Sec. Remulla, kasi naturingan siyang DILG Sec., tapos parang nagpapakita siya ng takot sa mga protektor ni Sen. Dela Rosa, boom!


XXX


PARA HINDI MASABIHANG ATAT MAGING PRESIDENTE, DAPAT IPAUBAYA NA LANG NI VP SARA SA MGA DDS ANG PANAWAGANG MAG-RESIGN NA SI PBBM — Marami namang Duterte Diehard Supporters (DDS) ang nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-resign na ito sa puwesto, kaya't sana ay hindi na nakisawsaw pa si Vice President Sara Duterte sa panawagang mag-resign na ang presidente kasi dahil dito, binatikos siya ng publiko.


Hindi naman talaga kasi magandang tingnan na si VP Sara ang successor o papalit kay PBBM kapag nawala ito sa puwesto, tapos nanawagan siyang mag-resign na ito.

Ang nais nating ipunto rito ay dapat hayaan na lang ni VP Sara ang mga DDS sa panawagang mag-resign si PBBM para hindi siya nababatikos ng taumbayan, na ang natatanim sa isipan ay masyado siyang atat maging presidente kaya pinagri-resign na niya ang presidente, period!


XXX


BATIKOS ANG AABUTIN NI OMBUDSMAN REMULLA KAPAG HINDI NIYA NAIBALIK SA ‘PINAS SI ZALDY CO — Tiniyak ni Ombudsman Boying Remulla na sa pagtungo ng kanyang grupo sa France ay mahuhuli na nila si former Cong. Zaldy Co at maibabalik na ito sa Pilipinas para ikulong sa city jail sa kasong plunder.


Sana totoo ang sinabing iyan ni Ombudsman Remulla kasi kapag sumablay siya sa sinabi niya at pagbalik niya sa ‘Pinas ay hindi kasama si Zaldy Co ay asahan na niyang puputaktihin siya ng pamba-bash sa social media, boom!


XXX


IBABA NA ANG PRESYO NG KRUDO PARA HINDI NA MAGTIGIL-PASADA MGA TSUPER — May ikinakasa na namang dalawang araw na tigil-pasada ang mga jeepney driver dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo.


Aba’y dapat para hindi na matuloy ang panibagong tigil-pasada na 'yan na magpapahirap sa mga pasahero, ay dapat forthwith o agad-agad ay magpalabas ng direktiba ang Department of Energy (DOE) na nag-uutos sa mga oil companies na ibaba ang presyo ng krudo, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page