top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Jonas bida ng Undas, Caraballo, pinabagsak

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 1, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | November 1, 2021





Sumandal sa apat na knockdown scores si Filipino bantamweight contender Jonas “Zorro” Sultan para mapagwagian ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) International 118-pound title mula sa 10-round unanimous decision victory kontra kay Puerto Rican rising star Carlos “Purin” Caraballo kahapon sa Hulu Theater sa Madison Square Garden sa New York City.


Ipinaramdam ng 29-anyos na tubong Tampilisan, Zamboanga del Norte na si Sultan (17-5, 11KOs) ang lakas at solidong suntok para makuha ang pagpabor ng mga huradong sina Kevin Morgan, Tony Paollilo at Waleska Roldan na pare-parehong nagbigay ng iskor na 94-93 upang talunin si Caraballo (14-1, 14KOs) na unang beses sumabak sa 10 round boxing match.


Bumitaw ng apat na knockdown scores si Sultan, na minsang tumalo kay WBO bantamweight champion John Riel Casimero noong 2017 sa Cebu City, ngunit nabigo kay IBF super-flyweight titlist Jerwin Ancajas, sa 2nd round, 3rd round, 6th round at 9th round, ngunit nakatikim din ng countdown bago magtapos ang 3rd round mula sa ilang patama ni Caraballo na tila mukhang nadulas lang ang Filipino fighter.


“This is boxing. This is war,” bulalas ni Sultan matapos ang laban na bumuhos ng 8-of-302 punches (28%) habang mayroong 95-of-213 punches (45%) si Caraballo.


“I came to win tonight. Caraballo is a tough man, but I wanted this one,” dagdag ni Sultan na nakuha ang ikatlong sunod na panalo mula kina Salatiel Amit at Sharone Carter na parehong nagtapos sa 7th round knockout.


Sa pagiging agresibo ng Filipino boxer nanaig ang matiyagang paghahanap na maipasok ni Sultan ang bakal na kamao nang dumapo ito sa panga sa 2nd round mula sa isang maigsing right hook, pero matatag si Caraballo. Sa ikatlong pagtumba ni Caraballo ay mula sa malinis na straight punch sa mukha sa 6th round, at muli, nakatayo ang dating unbeaten boxer.


Sa ikaapat na beses ay pinabagsak ni Sultan mula sa kaliwang hook sa panga at sinundan ng kanan sa 9th round at makuha ang tagumpay. Kandidato ang laban nina Sultan at Caraballo bilang Fight of the Year dahil sa matinding panggugulpi ni Sultan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page