JOMARI, KINANTIYAWAN SI JAY NA PAKASALAN NA SI AIKO
- BULGAR
- Sep 9, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | September 9, 2023

Kasama si Andre Yllana sa cast ng Viva One original series na Safe Skies, Archer at kabilang sa Univerkada bilang si Adonis.
Supporting role si Andre rito gaya sa The Rain in España and who knows na sa mga susunod na series ng Viva One, siya na ang lead actor.
Sa October na ang streaming ng Safe Skies, Archer sa Viva One mula sa direction ni Gino Santos.
Nadagdagan man ang cast, ang pangako ni Direk Gino, walang napabayaan sa kanila at lahat naman siguro ay may highlight.
And speaking of Andre, mukhang mapupunta na rin siya sa pulitika dahil nag-e-enjoy siya kapag nagpi-pinch-hit sa mom niyang si Councilor Aiko Melendez sa mga lakad nitong hindi mapuntahan. Si Andre ang ipinapadala ni Aiko, kaya ngayon pa lang, may experience na siya.
May comment din si Andre sa dad niyang si Jomari Yllana at fiancée nitong si Abby Viduya na sabi ni Andre, kasundo niya. Nakakapag-usap sila tungkol sa career niya dahil galing din sa showbis si Abby. Looking forward na si Andre sa November 2023 wedding nina Jomari at Abby.
Nagbiro si Jomari at kinol-out ang attention ng boyfriend ni Aiko na si Jay Khonghun, baka naman daw balak na rin nilang pakasal ni Aiko at hindi siya kokontra.





Comments