JOMARI AT ABBY, KASAL NA!
ni Nitz Miralles - @Bida | December 19, 2022

Kasal na pala sina Jomari Yllana at Abby Viduya!
Ito ay kung pagbabatayan ang caption ni Jomari sa latest post niyang, “With my gorgeous wife” habang katabi sa litrato si Abby.
May kasamang red heart at thankful emojis ang kanyang post at hashtag na #thanksbetogod.”
Ang tanong ng kanyang mga followers, kailan at saan sila ikinasal ni Abby?
May nag-comment pang true love ang nangyari sa kanila ni Abby dahil kahit nagkaroon sila ng ibang relasyon, in the end, sila pa ring dalawa.
Hindi sinagot ni Jomari ang mga tanong kung kailan sila ikinasal ni Abby. Siguro, kapag na-interview si Jomari o silang dalawa ni Abby, makukumpirma kung kasal na nga ba sila. Hindi naman siguro sila magdadamot to share details sa wedding nila.
At hindi rin naman siguro ipakikilala ni Jomari na “wife” niya si Abby kung hindi pa niya ito asawa.
Naka-private ang Instagram account ni Abby. Tsinek kasi namin kung may post din siya sa kanila ni Jom at kung tinawag din ba niyang “my husband” si Jom, pero friends nga lang niya ang puwedeng makakita ng post niya.





Comments