Joli Bell, bebenta sa 2-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |October 28, 2022
Tiyak na markado sa mga liyamadista si Joli Bell na sasalang sa magaganap na 2-Year-Old Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, ngayong araw.
Inaasahang magdodomina sa bentahan si Joli Bell na rerendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez, sapagkat pili ng mga karera tipsters sa programa na pang-primera ang nasabing kabayo.
May distansiyang 1,200 meter race, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina Make Or Break, Mount Maagnaw at magkakamping Amiable Maxene at Axis Deviation.
Nakalaan ang P20,000 added prize para sa winning horse owner, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. Pitong karera ang pakakawalan ngayong Biyernes ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya tiyak na masaya na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Samantala, aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng walong kabayo sa Condition Race na pakakawalan sa pangalawang karera.
Sina Candaba at Off Shoulder ay sa tingin ng mga racing aficionados ang horse-to-beat sa distansiyang 1,200 meter race. Makakalaban nina Candaba at Off Shoulder sina Eyeshot, Headmastership, My Dad Bogart, Bossa Nova, Messi at Mr. Manilenial.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Joli Bell (1), Make Or Break (5)
Race 2 - Candaba (4), Off Shoulder (5), My Dad Bogart (3)
Race 3 - Heritage (3), Ring A Bell (2)
Race 4 - Kusing (1), Color Blast (8), Crown In My Head (5)
Race 5 - Sweet Luck (3), Rafa (4)
Race 6 - Black Woman Magic (2), Musikera (6)
Race 7 - National Treasure (4), Goldbar (7), Batang Madrid (6)





Comments