Jol Siego at Wishful Thinking, magtutulong
- BULGAR
- Feb 17, 2023
- 2 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 17, 2023
Magtatambalan sina jockey JoL Siego at Wishful Thinking para maangkin ang panalo sa Condition Race (23) ngayong araw sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Pakay masungkit ang added prize na P10,000 premyo para sa winning horse owner, makakaharap ni Wishful Thinking ang ibang tigasing kabayo na sina Gee's Song, Boss Nova, Riches Lumbangan, Blue Label at Premiere Danseur.
Magsisimula ang bakbakan sa Race 1, may distansiya itong 1,200 meter race kung saan ay suportado ito ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon at ibang naka-iskedyul na karera ngayong Biyernes.
Ayon sa komento ng mga karerista, mahirap mamili sa nasabing line-up ng karera kaya inaasahang multiple ang kanilang pili para sa unang winner-take- all. "Mahirap na karera pa rin 'yan, mas maganda multiple ang pili mo para maka-isang puntos, tapos sa ibang races pili na lang ng matibay na pang single bet para makatipid sa puhunan," saad ni Robert Ladiana, veteran karerista.
Isa pang aabangan ng mga karerista ay ang labanan ng 14 na tigasing kalahok sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pakakawalan sa pangatlong karera.
Ang mga kasali ay sina Cool Cat, Sierra Madre, Apollo, Advance Party, Super Cong, Heritage, Atomic Bomb, Maki Boi, Double Happiness, Haymaker, Laughing Tiger, Columbus, Riding The Tiger at Jambo.
Samantala, may 9 na karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magpapatuloy ang kanilang pakarera hanggang Linggo.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Wishful Thinking (1), Princess Danseur (6)
Race 2 - Giaann Tsie (5), Monument (7), Kentucky Rain (1)
Race 3 - Atomic Bomb (7), Advance Party (4), Riding The Tiger (13)
Race 4 - Lucky Noh Noh (2), Freedom Lover (3), My Diamond (9)
Race 5 - Manang Biday (2), Barrio San Jose (8) Reesy Baby (11)
Race 6 - Elegant Lady (9), Stayinthemoment (3), My Jopay (7)
Race 7 - Galloping Ghost (11), Rise And Shine (1)
Race 8 - Empire Ruler (8), Keep Sailing (1),
Race 9 - Maaasahan (8), Es Oh Pee (2), Rockaway (13)





Comments