top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Jokic, Morant at Conley, sakalam bumuhat ng panalo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 23, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | October 23, 2022



Kinailangan ng bisitang Utah Jazz ang overtime upang pabagsakin ang Minnesota Timberwolves, 132-126, sa NBA kahapon mula sa Target Center. Dalawang laro pa lang sa bagong taon ay tila hiyang kay kabayan Jordan Clarkson ang pagiging first five at bumomba ng 29 puntos upang manatiling malinis ang Jazz sa 2-0.


Nilaro ni Clarkson ang buong 5 karagdagang minuto at naka-isang tres. Sumandal ang Utah sa 3-points ni Mike Conley at kasunod na shoot ni Lauri Markkanen para sa 130-126 lamang at 13 segundo sa orasan.


Ipinasok ni Clarkson ang 12 ng 29 sa 4th quarter bago itabla ni D’Angelo Russell ng T'wolves ang iskor sa 120-120 at limang segundo ang nalalabi at nag-overtime. Kasabay ng maagang pamamayagpag ni Clarkson at Jazz, hinahanap pa rin ni Jalen Green at Houston Rockets ang unang panalo matapos manaig sa kanila ang Memphis Grizzlies, 129-122. Walang nakapigil kay Ja Morant na nagbagsak ng 49 puntos at masayang ang 33 puntos ni Green.


Sumakay ang bisitang Denver Nuggets sa triple double ni MVP Nikola Jokic at gulatin ang World Champion Golden State Warriors, 128-123. Nagsumite si Jokic ng 26 puntos, 12 rebound at 10 assist at nabitin ang paghabol ng Warriors mula sa 77-57 lamang ng Nuggets sa 3rd quarter. Nag-shoot si Anfernee Simons na may 7 segundo sa overtime upang ipanalo ang Portland Trail Blazers sa Phoenix Suns, 113-111. Bumida sa Blazers si Damian Lillard na may 41 puntos.


Sa ibang mga laro, pumukol si Bradley Beal ng 3-points na may 7.4 segundong nalalabi upang buhatin ang Washington Wizards sa 102-100 panalo sa Chicago Bulls. Nanguna sa Wizards si Kyle Kuzma na may 26 puntos at umangat sa 2-0.


Dalawang sunod na panalo rin ang Boston Celtics at Atlanta Hawks. Gumawa ng 29 puntos si Jayson Tatum para talunin ng Celtics ang Miami Heat, 111-104 at sumandal ang Hawks sa double-double ni Trae Young na 25 puntos at 13 assist para pigilin ang Orlando Magic, 108-98.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page