top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Jokic, inisahan ang Mavs, James, bumida sa 21 pts.

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | February 17, 2023




Naisahan ni Nikola Jokic at Denver Nuggets si Luka Doncic at Dallas Mavericks, 118-109, sa tampok na laro sa NBA kahapon sa Ball Arena. Bumawi din ang numero unong Boston Celtics at tinalo ang kulelat na Detroit Pistons, 127-109.


Pumasok ang Nuggets na wala sina Jamal Murray (tuhod) at Aaron Gordon (tadyang) subalit si MVP Jokic ang bahala at bumuhos ng 10 puntos sa second quarter upang itulak ang Denver sa 61-44 lamang at hindi na nila binitawan ito. Tatlong puntos lang si Jokic sa second half ngunit walang nakapigil sa pagtala ng triple double na 14 puntos, 13 rebound at 10 assist patungo sa kanilang ika-41 panalo sa 59 laro at solong liderato ng Western Conference.


Nanguna sa Denver si Jeff Green na may 24 at Michael Porter Jr. na may 22 puntos. Nasayang ang 37 puntos ni Doncic sa gitna ng pagliban ni Kyrie Irving dahil masakit ang likod.


Ibinuhos ng Celtics ang sama ng loob sa Pistons hanggang umabot sa 123-102 ang lamang papalapit sa last 2 minutes sa dunk ng nagbabalik na si Jayson Tatum, ang kanyang ika-38 at huling puntos. Hindi naglaro si Tatum at Jaylen Brown sa 125-131 talo sa Milwaukee Bucks noong isang araw.


Bumalik din sa aksiyon si NBA Scoring King LeBron James sa 120-102 tambak ng Los Angeles Lakers sa New Orleans Pelicans. Double-double si Anthony Davis na 28 puntos at 10 rebound at may 21 si LBJ na ngayon ay sisikapin maging unang manlalaro na may 39,000 at maaari niya ito maabot bago matapos ang torneo sa Abril.


Samantala, may naghihintay na pinakamalaki sa kanilang kasaysayan sa donasyong $10 milyon (P551.9 milyon) ang Make-A-Wish Foundation mula sa NBA alamat na si Michael Jordan sa okasyon ng kanyang ika-60 kaarawan ngayong Pebrero 17.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page