top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Joint forces ang SM, Airspeed at PRC sa pagtulong sa mga ‘Odette’ victims

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2022
2 min read

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 27, 2022





Hello, Bulgarians! Halos bisperas ng Pasko noong nakaraang taon nang salantahin ng Bagyong Odette ang Visayas at Mindanao. Ang Cebu ay kabilang sa mga lalawigang pinaka-naapektuhan.


Iniwan nito ang halos buong Cebu City na walang tubig at kuryente. Bagama’t mahalaga ang kuryente, may generator na nagagamit, ngunit ang pangangailangan para sa maiinom na tubig ay napakahirap.


Maging ang mga SM Mall sa buong Cebu ay dumanas ng mga pinsala, ngunit bilang pagsunod sa pangako ng SM sa disaster resilience, ang pakikipagtulungan sa Airspeed ay agad na isinagawa para i-airlift ang mga bottled water sa mga empleyado at kaakibat ng SM, mula sa Supermarkets, Savemore, SM malls, Radisson Hotel, at mga distribution center.


Ang Airspeed ay agad na naghatid ng mga trak ng SM bottled water na mabilis na naibigay sa mga empleyado ng SM sa Cebu, ang mga paghahatid ng bottled water ay mabilis na naibahagi sa mga apektadong barangay sa pamamagitan ng SM Foundation’s Oplan Tulong Express relief operations na nagbigay ng mahigit 33,000 Kalinga packs sa mga komunidad na pinaka-apektado.


Ginamit ng Airspeed ang kanilang air freight forwarding services, gayundin ang 6 at 10-wheeler trucks nito upang magdala ng iba pang mahahalagang kargamento, tulad ng mga power generator, mattress at bigas sa iba pang lugar na naapektuhan ng bagyo. Ang kanilang bodega sa Maynila at Cebu ay ginamit para sa libreng pag-iimbak ng mga relief goods na nagmumula sa iba’t ibang organisasyon sa buong bansa.


Parallel sa on-ground relief operations, nakipagtulungan ang SM sa Philippine Red Cross sa donation drive sa 86 SM at SMDC malls para hikayatin ang publiko na tumulong sa pamamagitan ng cash donation na direktang ipadadala sa Red Cross o ilalagak sa mga donation box sa mga SM Malls entrance at SM Cares Kiosk.


Ang diwa ng Bayanihan at partnership, tulad ng SM, Philippine Red Cross at Airspeed na kabilang sa mga grupong ginawa upang tulungan ang libu-libong biktima ng ‘Odette’ na dahan-dahang makabangon. Para sa mga interesadong mag-donate sa pamamagitan ng Philippine Red Cross, i-scan lamang ang QR code sa ibaba o direktang magdeposito sa PRC account number.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page