top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Join sa mister na alalay ni PBBM… DAWN, NAG-SHOPPING SA SWITZERLAND, DUROG SA MGA NETIZENS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2023
1 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | January 21, 2023




Nakatikim ng pambabatikos mula sa mga netizens ang nananahimik lang namang aktres na si Dawn Zulueta matapos kumalat ang mga pictures niya na kasama sa entourage ni Pangulong Ferdinand Marcos III o PBBM sa Davos, Switzerland.


Nakunan din si Dawn na namimili sa isang shopping area sa Davos, at isyu ito sa mga kritiko na kinukuwestiyon ang pagsama ng aktres sa Switzerland.


Para sa kaalaman ng lahat, ang mister ni Dawn na si Anton Lagdameo ang Special Assistant to the President mula nang manungkulan si BBM bilang bagong presidente ng Pilipinas last June.


Kaalyado at malapit na kaibigan ni Lagdameo ang pangulo.


Kasama siya sa entourage ni Marcos kaya nasa Switzerland din ang misis niyang aktres.


Inakusahan ng mga kritiko na pera ng bayan ang ginamit ni Dawn sa pagpunta sa Switzerland.


May mga nagtatanong din kung ano raw ba ang ambag ng aktres sa World Economic Forum at maging ang pamimili ng aktres sa isang high-end store ay tinutuligsa.


Ipinagtanggol naman ng mga supporters at followers si Dawn.


Depensa ng isang netizen, “Dawn Zulueta uses her personal money to travel, not from the government."


"What made you think Dawn Zulueta with her rich husband can’t afford to pay for her trip?!”


“If you think you are in a position of moral authority to judge other people based on what you believe and perceive them to be, then think again. Dawn Zulueta’s living peacefully. Might as well leave her alone.”


"Stop harassing Dawn Zulueta!” sabi pa ng isa.


Dagdag pa ng isang netizen, “Kung ayaw n’yo kay Dawn Zulueta, eh, di don’t."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page