top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Join sa It's Showtime, next?! P380K NA ASO NINA VICE AT ION, BINILHAN NG P16K NA KAMA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2023
2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | March 20, 2023



Rumesbak na si Vice Ganda sa mga bumabatikos sa kanya sa pagbili ng Pomeranian puppy worth P380,000.


Ang five-month-old Pomeranian puppy na binili ng It’s Showtime host kasama ang partner niyang si Ion Perez ay ang bagong “baby” na tinutukoy ng mag-partner sa latest vlog ng Unkabogable Star.


Siyempre, pawang mamahalin at signature brands din ang mga gamit ng “baby” nina Vice at Ion gaya na lang ng dog bed na worth P16K.


Sa mga nagsasabi na OA sa presyo ang alagang hayop ng magdyowang It’s Showtime hosts, eh, kung ‘yun naman ang magpapasaya kina Vice at Ion, care ba natin?


Unang-una, pera nila ‘yun. Wala tayong paki saanman gastusin ni Vice ang kanyang pera.


Pangalawa, kering-keri ni Vice bumili ng Pomeranian dog kahit sampu pa.


Susme, wala pa sa kalahati ng presyo ng isang signature bag ni Vice ang halaga ng bago niyang aso, ‘noh! Kaya para kina Vice, mura pa nga ang halaga ng bago nilang “baby” ni Ion.


At saka sabi nga nila, walang halaga ang puwedeng tumumbas sa happiness ng isang tao.


Pangatlo, mabuti na ‘yan na may mapagpapraktisan at mapagbubuhusan sina Vice at Ion ng kanilang love and care bago pa man sila tuluyang mag-decide na magkaroon ng kanilang tunay na baby.


Gawin bang guinea pig ang aso? Hahaha!


Pang-apat, ‘di lang si Vice ang celebrity na may biniling aso na ganyan kalaki ang halaga.


Baka nga di hamak na mas mahal pa kesa sa P380K worth ng Pomeranian dog ni Vice.


Anyway, ‘di na rin kami magugulat if one day ay umapir na rin ang aso nina Vice at Ion sa It’s Showtime lalo na kapag nagkaroon sila ng segment tungkol sa mga aso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page