top of page
Pokwang.jpg

Join sa Blackwater team… ANDRE, PASOK NA SA PBA

BULGAR
Mar 19, 2021
1 min read

Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 19, 2021




Pasok na sa PBA ang Kapuso actor na si Andre Paras at siya ay maglalaro sa koponan ng Blackwater.


Tuwang-tuwa si Andre sa pagiging bahagi ng Blackwater team at nagkaroon ng chance na makapaglaro sa PBA.


Bata pa raw siya ay pangarap na niyang maging magaling na basketball player tulad ng kanyang amang si Benjie Paras. Ang younger brother niyang si Kobe Paras ay naglalaro ngayon sa koponan ng UP dahil doon siya nag-aaral.


Well, paano kaya mapagsasabay ni Andre ang kanyang showbiz career at pagiging basketbolista? Ano ang kanyang bibigyan ng prayoridad?


Magiging busy din siya sa pag-eensayo at paglalaro sa PBA. Paano na ang show niyang Game of the Gens na sila ni Sef Cadayona ang mga hosts?


Masaya at proud naman si Benjie Paras dahil sina Andre at Kobe ang magtutuloy ng kanyang legacy sa basketball. May magmamana na ng kanyang galing sa hardcourt.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page