top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Join sa Bb. Pilipinas… MADLANG PIPOL KAY HERLENE: 'DI LANG GANDA, UTAK ANG KAILANGAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 5, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 5, 2022




Balitang sasali sa Binibining Pilipinas 2022 si Herlene “Hipon Girl” Budol. Gusto raw nitong pasukin ang mundo ng pageantry.


May naglabasan na ring larawan niya kasama ang mentor ng Kagandahang Flores. Sa July daw ang coronation night ng Bb. Pilipinas this year.


Mixed ang reactions ng mga netizens sa balitang ito. Puwede raw sumali sa beauty pageant si Herlene dahil maganda at matangkad. May humula na ngang mananalo siya sa Miss Grand International. Saka, sumasali na si Herlene sa beauty pageant bago pa siya nakilala sa Wowowin.


May mga kontrabida rin sa balak na pagsali ni Herlene sa Bb. Pilipinas. Hindi lang daw pagandahan at patangkaran ang beauty pageant, kailangan ding may utak at marunong sumagot sa Q&A. May nagpayo naman na bawasan niya ang kabaklaan at pagka-squammy na ang ibig sabihin ay makulit.


Anyway, naging emosyonal si Herlene nang makabili ng sariling sasakyan after ng ilang taong pagsisikap, pagtitiyaga at pagsisipag. Dream come true ito sa kanya at isa sa mga pinasalamatan ay ang manager niyang si Wilbert Tolentino sa patuloy na pagbibigay ng projects sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page