top of page
FRANKLY - PIKTYUR NI JENNYLYN NA BUGBOG-SARADO, GINAMIT NA PROPS SA PARTY, DENNIS GALIT NA

Join sa 2026 ASEAN Summit… ANGELINA JOLIE, DARATING SA ‘PINAS

Writer: BULGAR
BULGAR
16 hours ago
2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 7, 2026



BIDA - ANGELINA JOLIE, DARATING SA ‘PINAS_IG _angelinajolie

Photo: IG _angelinajolie



Inianunsyo ng Vogue Philippines na darating sa bansa ang Hollywood actress na si Angelina Jolie.


“The Academy Award-winning actress, filmmaker, and longtime advocate for refugees and displaced communities will join the 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit on November 11, bringing her decades of humanitarian work and advocacy to the conversation on building a more inclusive and resilient Southeast Asia.


“Her presence underscores an important question: How can growth create meaningful opportunities for everyone, especially the most vulnerable?” bahagi ng announcement.

Dahil sa balitang ito, nabulabog ang mga fans. Gusto nilang makita ang aktres at maging present sa event na dadaluhan nito, lalo na kung magbibigay siya ng speech.


Pati ang mga celebrities, excited sa pagdating ni Jolie. May mga nang-aasar lang na i-expect na raw na may mga magko-comment ng “Welcome to the Philippines” at “We love you”.





Pati hairstyle, ginagaya…

MIKEE, BIGLANG DAMI NG FANS DAHIL SA PBB



FANS are rediscovering Mikee Quintos, at malaki ang tulong ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 (PBBC3.0) para mas makilala pa siya, lalo na ng mga Kapamilya fans. 

All of a sudden, pinag-uusapan siya online.


Ang daming Facebook (FB) account na bida siya at araw-araw ay may update sa kanya. Ikinukuwento ng mga fans ang napapanood nila sa PBBC3.0.


Well, ang daming gumagaya sa pixie bob hairstyle niya. May mga nagtatanong kung saang salon siya nagpagupit para perfect ang paggaya nila sa ayos ng buhok nito.

Napansin bigla na maganda si Mikee kahit walang makeup, kahit hindi nagsusuklay at kahit bagong gising.


Napansin din na may chemistry si Mikee kina Robbie Jaworski, Raheel Bhyria, at Jeo Ong. The three boys are younger than Mikee, pero kinikilig ang kanilang mga fans. May JeKee love team na nga kahit 10 years ang age gap nina Mikee at Jeo.


Biglang lumakas ang aktres sa mga netizens, patunay ang mabilis na pagtaas ng mga followers niya sa FB at Instagram (IG). 


Para sa mga fans, maging winner man o hindi si Mikee sa PBBC3.0, sure win ito sa puso nila. Umaasa sila na hindi mae-evict ang aktres sa Bahay ni Kuya. May balita kasi na lalabas siya dahil kasama siya sa cast ng Code Gray at magte-taping na.





Idinidispley na in public…

BAGONG DYOWANG AFAM NI MARIS, ‘DI KAMUKHA NI ANTHONY



TINITINGNAN namin ang photo ng AFAM na boyfriend ni Maris Racal at wala kaming makita na resemblance nito sa aktor na si Anthony Jennings na na-link sa aktres. Ang pagkakapareho lang, they are foreigners pero hindi talaga magkamukha.


Kaya para sa amin, mali ang mga comments na “Parang si Jennings” at “Kamukha ni Jennings din ang ipinalit.”


Sa photo na ipinost ni Oskee Recabar, may sariling mukha ang dyowa ni Maris. Mas foreigner-looking, may bigote at balbas. 


Well, parang hindi naman nila itinatago ang kanilang relasyon. Sa reels, makikitang kahit may mga tao sa paligid nila, sweet pa rin sila. Nakayakap si guy kay Maris.

Nakita na natin ang face ng dyowa ng aktres, wait natin ang name reveal!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page