top of page
Search
  • BULGAR

Join na kina Bong, Jinggoy, Lito at Robin sa Senado… IPE, TATAKBONG SENADOR SA 2025

ni Julie Bonifacio @Winner | April 22, 2024




Sasabak na rin sa pulitika ang aktor na si Phillip Salvador. Ito ay batay sa post ng SMNI News account sa X (dating Twitter).


Ang SMNI News ayon sa Google ay pag-aari at pinapatakbo ng Swara Sug Media Corporation, the parent company of Sonshine Media Network International, a broadcasting arm of the Kingdom of Jesus Christ (KJC) led by Filipino televangelist and religious leader, Apollo Quiboloy.


Ipinost ng SMNI News ang ilang larawan ni Kuya Ipe habang nagsasalita sa podium sa ginanap na  42nd anniversary at National Council Meeting ng Partido PDP-Laban sa Cebu City na pinangunahan ni former President Rodrigo Duterte.


Caption sa post: “JUST IN | Phillip 'Ipe' Salvador, tinanggap ang nominasyon ng partido PDP na tumakbong senador sa 2025.”


If this is true, posibleng magkasama-sama sila ng mga kaibigan niyang artista na sina Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Robinhood Padilla at Sen. Lito Lapid sa Senado. 


Nakikisabay naman sa tindi ng init ng panahon ang mga umuusok na comments ng mga netizens sa news item na tatakbo si Kuya Ipe sa 2025 election bilang senador.


“Kapag ito, ginawa n'yong senador, ayaw ko na talagang maging Pilipino, PRAMIS!”


“Ipakukulam ko kayong lahat na boboto sa kanya.”


“Hoy, hindi pangkabuhayan project ng mga laos ang gobyerno.”


“Nakakahiya.”


“Juskolord! Ano ba'ng kasalanan ng mga Pilipino? Bakit ganito ang parusa sa amin?”


Komento pa ng isang netizen, “Kris Aquino nga, ‘di pinanagutan, gagawin pang senador.”


Sey naman ng isang commenter, “Susko after Robin, Jinggoy and Bong, Ipe naman. Mga Pinoy, Senado 'tong pinag-uusapan natin, ha, hindi tayo bumoboto sa bubuo ng Pinoy version ng The Expendables.”


Sabeee?


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page