John Lloyd, knows mo?... ELLEN, SI JOHN ANG BAGO
- BULGAR

- Nov 19, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | November 19, 2020

Naka-post sa Instagram ni John Estrada na magsasama sila ni Ellen Adarna sa isang sitcom sa TV5 titled John en Ellen. Sa 2021 pa raw magsisimula ang airing ng sitcom, kaya ang tanong ng mga fans, next year ba, tapos na ang kontrata ni John sa GMA Network?
Pumirma kasi si John ng kotrata sa Kapuso Network nang umalis siya sa ABS-CBN at nakagawa na ng teleserye. Sisimulan na sana nila ni Carmina Villaroel ang teleseryeng Babawiin Ko Ang Lahat kundi lang nagkaroon ng pandemic.
Noong isang araw, nagkaroon na ng virtual storycon for this project, kaya malapit na siguro silang mag-taping. Next year na rin siguro ang airing ng Babawiin Ko Ang Lahat at baka mag-abot pa ito at ang airing ng sitcom nina John at Ellen sa TV5.





Comments