JOHN LLOYD, HUMATAW NG SAYAW, NAKA-1 MILLION VIEWS NA SA TIKTOK
- BULGAR
- Jul 27, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | July 27, 2022

Sumasayaw pala si John Lloyd Cruz at patunay nito ang TikTok video ni Miles Ocampo kung saan mapapanood na humahataw ng sayaw ang aktor kasama ang buong cast ng GMA-7 sitcom na Happy ToGetHer.
Sa saliw ng kantang Zoom ng K-pop idol na si Jessi, makikitang hataw sa pag-indak si JLC sa tinawag na Zoom dance challenge.
In fairness, nakasunod sa choreography ang aktor at makikitang nakangiti ito habang sumasayaw.
May more than one million views na ang TikTok video na ang caption ni Miles ay: “Alam kong bihira mong mapasayaw ang kuya ko, Kuya Lloydie!!! Labyu-labyu, my HTGH family.”




Comments