John, kahit todo-suyo sa misis… PRISCILLA, GAME NA SA GIYERA
ni Julie Bonifacio @Winner | April 10, 2023

Duda pa rin ang ibang netizens sa balitang nagkaayos na ang mag-asawang Priscilla Meirelles at John Estrada.
Nag-post na kasi si John sa kanyang Instagram ng mga sweet moments nila ni Priscilla habang nakahiga sa kama nitong nagdaang Holy Week.
Caption ni John, "The love of my life, my wife, my one and only Queen."
Pagkatapos ay may pa-hashtags pa ang isa sa mga main cast ng FPJ’s Batang Quiapo na: "#Happytogether,” "#J❤P," "#Naturalbeauty," at "#HappywifeHappylife."
And yet, ang last IG post ni John habang isinusulat namin ito ay tila iba sa balitang nagkaayos na sila ni Priscilla.
Medyo malungkot kasi ang mukha ni John sa picture na ipinost niya sa kanyang Instagram at nakakalungkot pa ang hugot niya na idinaan niya sa isang quotation ang caption.
Quote ni John, "There are some people who could hear you speak a thousand words and still not understand you. And there are others who will understand without you even speaking a word."
No wonder nagdududa ang mga netizens sa balitang nagkaayos na sila ni Priscilla.
On the other hand, habang nagninilay-nilay ang maraming Pinoy sa pagdaan ng Holy Week, palaban naman ang dating ng mga IG posts ni Priscilla sa kanyang Instagram.
Muling ipinakita ni Priscilla ang kanyang kagandahan at kaseksihan sa mga larawang ipinost niya.
Kitang-kita ang pagpayat ngayon ng misis ni John. Pumayat kaya siya dahil sa problema niya sa mister or sadyang nagpaseksi siya para tapatan ang nababalitang karelasyon daw ngayon ni John?
Palaban ang mga hashtags ni Priscilla sa kanyang mga IG posts gaya ng "#Bang,""#ReadyforWar" and "#IDontShare."
Kapansin-pansin din na walang post si Priscilla ng gaya ng ipinost ni John sa kanyang Instagram.
Kaya sabi ng mga Marites, baka sinusuyo pa ni John ang kanyang misis na magkaayos na sila.
Kung babasahin ang mga comments sa IG post ni Priscilla, karamihan sa kanyang mga followers ay pinapayuhan siya na hiwalayan na si John.
"As they say, it takes two to tango. Don't lose your self-worth by keeping him and fighting with the 'other' girl. There's more fish in the sea. If he can't treat you right now, he'll never will!
You're a beautiful woman. You'll find your own catch...”
"I agree. Priscilla, please LEAVE John."
"Sa ganda mo na 'yan, iwanan mo na 'yang asawa mong manloloko. Saka dati pa namang manloloko 'yan. Mabubuhay ka kahit wala 'yan. Magsama sila ni Chiyo (vlogger na sinasabing chicks ni John)."
Pero meron din namang nagpapayo kay Priscilla na ipaglaban ang relasyon nila ni John.
Well, abangan natin kung ano'ng magiging final decision ni Priscilla Meirelles.





Comments