by Angela Fernando @Showbiz News | July 16, 2024
Pinabulaanan ng aktor na si John Estrada sa Instagram story ang kumakalat ngayon sa social media na edited screenshot ng isang post mula sa ‘X’ kung saan sinasabi niyang gwapo siya kaya babaero at maraming nagkakagusto.
“FAKE NEWS [angry cussing emojis],” caption ni Estrada sa screenshot. Matatandaang kamakailan ay muling umugong ang mga tsismis na hiwalay na ang aktor sa kanyang asawang beauty queen na si Priscilla Meirelles matapos sumagot ang huli sa comment section ng mister at itinag ang isang Lily Hallman na diumano’y kasama ni John sa Boracay.
Wala pa namang linaw sa kasalukuyan kung totoo ba ang tsikang may bagong babae na sa buhay ni John base sa inispluk ng kanyang misis.
Comments