top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Joey, may clue na… IT'S SHOWTIME AT EAT BULAGA!, BACK-TO-BACK

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 4, 2023




May ilang netizens ang naiintriga sa recent post ni Joey de Leon sa social media na may caption na: "Eats Showtime.”


Nangangahulugan kaya ito na posibleng magkasama sa TV5 ang bagong show ng TVJ with Dabarkads at ang It's Showtime?


Dati na itong naging usap-usapan simula nang magkaroon ng problema ang TVJ sa TAPE, Inc. at sa kampo ng mga Jalosjos.


May chika pa na ang It's Showtime daw ang magiging pre-programming ng bagong show ng TVJ at Dabarkads.


Ayon kay Sen. Tito Sotto, tatlong malalaking networks ang agad na tumawag at nag-offer sa kanila matapos mapanood ang kanilang announcement ng pagre-resign sa TAPE, Inc.. Pero, wala pang final negotiation sa anumang network na nag-offer sa kanila.


Anyway, inaalam naman ngayon ng kampo ng TVJ kung sino ang naghudas sa mga tao sa kanilang grupo na nag-squeal sa mga Jalosjos ng mga pinag-usapan sa huling meeting ng Eat… Bulaga! hosts and production staff kaya hindi na pinayagan ang TVJ atbp. hosts na umere sa Eat… Bulaga!


noong Miyerkules, Mayo 31. Instead, sa Eat… Bulaga! fan page sa Facebook na lang nila ginawa ang pamamaalam sa libu-libong viewers na tumangkilik sa EB! for 44 years.


Ganunpaman, nakuha naman ng TVJ at Dabarkads ang simpatya ng publiko at maging ng maraming showbiz celebrities. Nangako ang mga loyal viewers ng EB! na kahit saang network mapadpad ang bagong show ng TVJ at Dabarkads ay susuportahan nila.


Pansamantala lang silang magpapahinga at magde-day-off, hindi sila nag-sign-off!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page