JOEY, IBUBUNYAG ANG DYING WISH NI FRANCIS M. SA TAMANG PANAHON
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 22, 2023

Ano kaya ang ‘dying wish’ ng namayapang Master Rapper na si Francis Magalona kay Henyo Joey de Leon?
Biglang nag-viral kasi ang video ng lumang panayam ni Joey sa news program ng GMA-7 na Saksi sa burol ni Kiko noong Marso 7, 2009 sa Christ The King, Greenmeadows, Pasig City.
Nabanggit nga ng E.A.T. host na may huling mensahe sa kanya si Francis.
Nakaka-curious nga naman ito lalo’t kamakailan ay biglang lumitaw ang sinasabing anak ni Francis na si Gail Francesca, 15 years old, na planong pasukin ang showbiz.
Si Gail Francesca ay anak daw ni Abegail Rait sa Master Rapper.
Kuwento ni Joey sa Saksi reporter, mahilig mag-text sa kanya si Francis kahit nasa hospital bed na ito.
“Oo, nagte-text ‘yan, hindi ako marunong mag-text, eh, so, siya lang ang text nang text sa akin, updated ‘yan.
“‘Yung huling text sa akin, hindi ko puwedeng sabihin.
“‘Yung mga ibang taga-Bulaga! lang, hindi puwede, eh. Sabi ko nga sa ibang networks, in time, baka maikuwento ko.
“Medyo may kapilyuhan pero I consider it a dying wish din. Someday, baka ibulong ko sa ‘yo (sabi sa reporter).
“Nakakatuwa, ‘yun ang huli niya, hindi naman ako maka-return (text back) kasi hindi naman ako nagte-text, pero updated ‘yan kahit sa tsismis,” kuwento ni Joey sa TV reporter.
Dagdag pa nito, “Very thoughtful ‘yang si Kiko, eh. Kahit maysakit na, nagugulat kami kapag may mga intriga (co-hosts sa EB!), kahit mga damit ng babae (hosts), pinapansin niya.
Ganyan ‘yan to be attached to the show araw-araw na ginagawa niya. Bilib ako diyan, napakatapang na tao.”
Dahil dying wish ang ginamit na salita ni Joey ay posible kayang ibinilin sa kanya si Gail Francesca bilang bunsong anak ni Kiko? O baka inaming may iba siyang anak na hindi alam ng asawang si Pia Arroyo-Magalona?
Abut-abot naman ang pasalamat ng TV reporter kay Joey sa maganda nitong kuwento at nagbilin na sana, balang-araw ay maikuwento sa kanya ang sinasabing “dying wish” ng Master Rapper.
Samantala, hindi naman nagustuhan ng mga netizens ang biglaang paglitaw ng mag-inang Abegail at Gail Francesca dahil nasabay sa pagpasok sa showbiz ng huli na halatang nag-iingay lang.
Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa rin kaming nababasang statement mula kay Pia o sa mga anak nila ni Kiko, maliban kay Frank Magalona na nag-like sa sinabi ng netizen na ‘homewrecker’ umano si Abegail.
Anyway, bukas ang BULGAR sa kampo ni Pia at ng mga anak tungkol sa sinabing ‘dying wish’ ni Kiko kay Joey, at kay Abegail sa sinabing homewrecker siya.





Comments