JOEY, DREAM MAGKA-MOVIE VERSION ANG EAT BULAGA!
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 22, 2022

Marami tiyak ang maninibago na mapanood si Joey de Leon minus Vic Sotto at Tito Sotto.
Halos sa mga nagawa nilang pelikula ay magkakasama ang TVJ (Tito, Vic & Joey). Ilang movies na ang nagawa ni Joey, pero first time na iba ang mga artistang kasama niya ngayon sa filmfest movie niyang My Teacher. Si Toni Gonzaga ang kapareha rito ni Joey at si Paul Soriano ang direktor ng pelikula.
Ganunpaman, kasama naman sa My Teacher sina Rufa Mae Quinto, Carmi Martin, Pauline Mendoza, ang tambalang Loisa Andalio at Ronnie Alonte at ang komedyanang si Kakai Bautista.
Medyo nag-slow down na sa pagtanggap ng movie projects si Joey de Leon. Sabi nga niya, napagod na rin siya dahil halos limang dekada na siya sa showbiz. Ang tanging hindi na lang niya maiiwan ay ang pagho-host ng Eat… Bulaga! na 44 yrs. na sa ere.
Pangarap ni Joey na makagawa ng movie version ng Eat…Bulaga! kung saan magsasama-sama ang lahat ng naging hosts ng noontime show.
Ang problema, sino ang magpo-produce ng EB! The Movie, eh, napakaraming cast na babayaran?
Unless magko-co-produced ang TAPE Inc., si Vic Sotto, Tito Sotto at Joey de Leon.
For sure, hindi naman magpepresyo nang malaki sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillom, Ice Seguerra atbp.
Maganda kung comedy-musical ang tema ng EB! The Movie. Sana, matupad next year ang pangarap na pelikula ni Joey de Leon.





Comments