JOEY, 3 BESES NADEMANDA DAHIL SA PRANK SA SHOW
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 26, 2022

Inamin ng veteran TV host at kilalang prank master na si Joey de Leon na tatlong beses na pala siyang nasabit sa demanda dahil sa kanyang prank show noon na Wow Mali!
Bagama't may waiver naman daw kasing pinipirmahan ang mga 'nabibiktima' nila sa show, meron pa ring ilang napipikon at nao-offend lalo't mga professional na tao. May iba naman ang medyo nadidisgrasya dahil sa pagkagulat sa mga prank nila.
Kaya ngayon, sa gag show na Oh, No, It's BO (Biro Only) na nasa 3rd season na sa NET25, sinisiguro raw nilang medyo tame na ang kanilang mga pranks.
Naniniwala rin si Joey na 'natuto' na ang kanyang mga staff na nakasama noon sa Wow, Mali!
kaya mas maingat at responsable na sa mga ginagawa nila ngayon sa kanilang gag show.
Anyway, sa Season 3 ng Oh, No, It's BO (Biro Only), makakasama na rin ang mga Tiktokers at online influencers na sina Niko Badayos, E.L Mendoza at Kumu Livestreamer Jai Gonzales para maghatid ng saya sa mga manonood at magsagawa ng ilang pranks.
Napapanood ang show sa NET25 every Saturday at 8 PM.





Comments