Joel, lumipat, Alan out, agawan sa Senado, tapos na... SP Win sa mga senador: Magsimula tayo
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Mylene Alfonso @News | June 18, 2026

Photo: Senate PH
Nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa lahat ng kanyang kasamahan sa Senado na magsimula uli at magkaisa sa pagharap sa mga hamon ng bansa.
"Nananawagan ako sa lahat ng aking kasamahan sa Senado, mayorya man o minorya, na magsimula tayo muli. Magkaisa sa paglilingkod at harapin nang sama-sama ang mga hamon ng ating bansa," ani Gatchalian sa kanyang talumpati sa special session ng Senado kahapon.
Pormal na ngang nahalal si Gatchalian bilang bagong Senate President sa special session na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.
Sa isinagawang special session, si Senador Juan Miguel Zubiri ang nagmungkahi kay Gatchalian para sa posisyon ng Senate President.
Pinalitan ni Gatchalian si Sen. Alan Peter Cayetano bilang lider ng Senado matapos makakuha ng 13 boto, na nagtapos sa halos dalawang linggong sigalot sa liderato na nagdulot ng legal na debate at kalituhan sa mga empleyado ng Senado.
Matapos nito, nanumpa si Gatchalian bilang Senate President, sa pangunguna ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III, na siyang nangasiwa sa kanyang panunumpa sa tungkulin.
Sa kanyang talumpati sa nominasyon, pinatunayan ni Sen. Juan Miguel Zubiri na si Gatchalian ay masipag at mahusay na namuno sa ilang mahahalagang komite ng Senado, kabilang ang Committee on Energy, Committee on Economic Affairs, Committee on Basic Education, at Committee on Finance.
“He's the leader that the Senate needs in this time of division and disarray, and he has done this before. I know he'll be able to rise above the fray and lead us back to our principal function, which is to attend to the work of legislation,” wika ni Zubiri.
“I have every confidence that as Senate president, he'll be able to set the institution back on the right path, guided by the highest standards of service, integrity and morality. To my colleagues, I plead, let us elect Senate President Gatchalian and let us get back to our work in this hallowed institution,” din pa niya.
Idineklara ang pagkakaroon ng quorum sa special session matapos dumalo ang 13 senador, kabilang sina Senators Francis “Chiz” Escudero at Joel Villanueva, na kapwa dating kabilang sa kampo ni Cayetano.
Samantala, nahalal naman si Sotto bilang Senate President Pro Tempore sa nasabing sesyon.
Iminungkahi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang nominasyon kay Sotto para sa posisyon, na sinang-ayunan naman ng lahat ng iba pang senador na dumalo sa plenaryo.
Kasunod nito, nanumpa si Sotto bilang Senate President Pro Tempore, kung saan ang panunumpa ay pinangasiwaan naman ni Gatchalian.





Comments