top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | June 9, 2025



File Photo: Sen. WIn Gatchalian, VP Sara Duterte at Francis Tolentino - FB.


Tiniyak nina Senador Sherwin Gatchalian at Francis Tolentino sa publiko na tuloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Hunyo 11.


“Wala namang choice ang Senado. Hindi ito desisyon ng mga senador. Ito ay constitutional responsibility ng mga senador,” wika ni Gatchalian sa Super Radyo dzBB.


“Walang uncertainty kasi dapat namin sundan ang Constitution. Klaro sa Konstitusyon na kailangang i-convene ang impeachment court once na na-transmit na sa Senado ang Articles of Impeachment,” punto ni Gatchalian.


Ganito rin ang naging pananaw ni Tolentino.


“Dapat mag-convene kasi tatanggapin namin ang Articles of Impeachment formally. 'Yung pagko-convene is part of the trial itself; 'yun 'yung simula when you take an oath,” wika ni Tolentino sa hiwalay na panayam ng dzBB.


Sinabi ni Tolentino na posibleng matapos ang impeachment trial sa loob ng 19 na araw, hanggang Hunyo 30.


 
 

ni Kuya Win Gatchalian @Win Tayong Lahat | September 17, 2024



Win Tayong Lahat ni Win Gatchalian

Happy National Teachers’ Month! Buo ang ating suporta sa ating mga guro na nagsakripisyo para sa magandang kinabukasan ng kabataang mag-aaral.


Bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, patuloy nating pinaiigting ang mga panukalang nakatuon sa kapakanan ng mga guro tulad ng ‘Revised Magna Carta for Public School Teachers’ (Senate Bill No. 2493). Layon nitong itaguyod ang kapakanan ng mga guro na nasa public schools sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon silang sapat na proteksyon at mga benepisyong natatanggap sa gitna ng maraming hamong kinakaharap ng sektor ng edukasyon.


Layong amyendahan ng panukalang batas ang Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) na naisabatas 58 taon na ang nakakalipas. Sa ilalim ng panukalang batas, na inihain ng inyong lingkod, tutugunan ang mga bago at nananatiling mga hamong kinakaharap ng mga guro sa mga pampublikong paaralan. Layon din nito na tiyaking nirerespeto, pinoprotektahan, at naisasakatuparan ang pagtaguyod sa karapatan ng mga guro.


Ilan pa sa mga probisyon ng nasabing panukala ang pagkakaroon ng mga permanenteng dagdag na benepisyo tulad ng calamity leave, educational allowances, at longevity pay. Nakasaad din sa panukala ang pagkakaroon ng special hardship allowances. Bukod dito, isinusulong din ang mas pinahusay na salary criteria para sa mga guro at ang pagbibigay-proteksyon sa public school teachers mula sa pag-aabono o out-of-pocket expenses. Higit sa lahat, tinitiyak nito na pantay-pantay ang sahod, benepisyo at mga kondisyon ng mga entry-level at probationary na mga guro. 


Nakasaad din sa naturang panukala ang pagbawas sa oras ng pagtuturo sa apat mula anim, bagama’t maaaring magtrabaho ng hanggang walong oras ang mga guro kung kinakailangan. Magkakaroon ng karagdagang bayad ang karagdagang oras ng pagtuturo. Katumbas ito ng kanilang regular na sahod at umentong hindi bababa sa 25 porsyento ng kanilang basic pay.


Isinama rin natin ang probisyon ukol sa pagbabawal ng pag-alis sa mga permanenteng guro kung walang due process at sapat na dahilan. Kasama rin sa ating isinusulong ang confidentiality sa mga disciplinary action na ipapataw sa mga guro.


Sa ating pagtugon sa mga hamong bumabalot sa sektor ng edukasyon, mahalaga na maitaguyod ang kanilang kapakanan, lalo na’t hindi matatawaran ang serbisyo nila para sa ating mga kababayan.


May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 27, 2023




Ibinasura ang kasong estafa sa mga nagpapanggap umanong staff ni Senador Sherwin "Win" Gatchalian dahil sa kakulangan ng ebidensya.


Nagpasya ang Pasay City Regional Trial Court Branch 115 na walang sapat na batayan ang kasong isinampa kina Dina Joson Castro, Ma. Luisa Barlan at sa isa pang akusado.


Matatandaang inaresto nu'ng Nobyembre ang ilang katao dahil sa reklamong naniningil umano ang mga ito para sa kontrata ng pagiging supplier sa reclamation projects sa Pasay City.


Nagbigay naman ng pahayag ang kapatid nina Joson at Barlan na si Emille Joson, isang award-winning international acclaimed filmmaker, "I'm very happy with the court's decision of course and I think we should respect it. The truth will always prevail. To Senator Gatchalian I know he means well but next time do a proper investigation. People voted him for a reason, so do something more humane and always get their fact straight."


Ayon naman sa abogado nina Joson at Barlan na si Atty. Vladimir Bugaring, "This order just shows that my client Dina Joson, Ma. Luisa Barlan and Helen Remolador has no participation on the alleged scam. The order even after requiring the prosecution through the NBI and the complainants found lack of probable cause to hold my clients for trial. That is why it ordered its dismissal in so far as Joson, Barlan and Remolador is concerned. Justice is in the air."


Iniutos naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpapalaya sa tatlo at ituloy ang kaso laban kay Ryan Lester Dino at isa pang suspek.


Nanindigan naman ang mga suspek na sila'y inosente at hindi sila konektado sa sinasabing estafa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page