top of page

JODI, TANGGAP MAGKAROON NG KABIT ANG DYOWA, ‘WAG LANG PAULIT-ULIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 17, 2022





Sa ginanap na solo presscon for Jodi Santamaria para sa seryeng The Broken Marriage Vow, isa sa mga naitanong sa aktres ay kung ano ang kanyang gagawin kapag nangaliwa ang kanyang karelasyon?


Ang pangangaliwa ay tema ng napapanahong teleserye tungkol sa pagkawasak ng isang pamilya o relasyon dahil sa panloloko o infidelity.


Handa ba si Jodi na patawarin ang asawa kapag natuklasang may kabit ito?


Malawak naman ang pang-unawa ni Jodi sa mga bagay na ganito. Aniya'y kung hindi sinasadya (maakit ang asawa sa iba), maaari niya itong mapatawad.


Subali't kung patuloy at paulit-ulit pa ring gagawin ang panloloko, ibang usapan na raw ‘yun.


Katwiran ni Jodi, "If the infidelity was a result of bad decision or sabihin mong 'honest mistake,' puwede kong mabigyan ng another chance 'yung asawa ko.


"But if I see that this is a continuing toxic pattern at hindi na lang siya pagkakamali, talagang deliberately ginagawa niya, I have to think of myself. I have to think of my child, and walk away from the relationship."


More or less, ganito ang kabuuan ng The Broken Marriage Vow kung saa'y gagampanan ni Jodi ang karakter bilang si Dr. Jill Ilustre na niloko ng asawang si David Ilustre (played by Zanjoe Marudo) at ipinagpalit ang maganda nilang samahan kay Lexy Lucero (played by Sue Ramirez).


Para kay Jodi, masakit maloko kapag alam mong mula ito sa mga taong malalapit sa 'yo na hindi mo iisiping magagawa ka nilang saktan.


"Hindi talaga madali ang betrayal, 'coz betrayal is relational, eh. It (betrayal) comes from those people na close to you. 'Yung mga taong 'di mo inakala na sasaktan ka at paniniwalaan mo.


After nu'n, you'll just have to give ourselves time to heal also."


Ayon pa sa aktres, sakaling maloko siya (ulit?), mas pipiliin niyang magpatawad kaysa sa maghiganti lalo na't may iba pang taong nadadamay like mayroon na silang mga anak?


"Para maibsan 'yung pain, you really have to forgive. I am not saying that forgiveness is easy, it's a choice you have to make every single day even if you don't want to forgive," katwiran ng aktres.


Samantala, mas kaaadikan at aabangan ng lahat ang agawan nila ni Lexy (Sue) over David (Zanjoe) sa pagsisimula ng The Broken Marriage Vow sa Lunes, January 24.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page