Jockey JT Pabilic malupit sa 3 inilargang astig
- BULGAR
- Feb 8, 2023
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | February 8, 2023
Tatlong kabayo ang naipanalo ni jockey JT Pabilic noong Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Kaya naman boundary si Pabilic at kanyang mga tagahanga na tiyak na nagpanalo sa nasabing araw ng karera. Unang pinanalo ni Pabilic si Hang Loose sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangalawang karera.
Inirehistro ni Hang Loose ang tiyempong 1:27.6 sa 1,400 meter race upang ungusan sina Rancheros na dumating na segundo at naterserong Happy Kid sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Hinamig ng winning horse owner na si MA Tansengco ang added prize na P10,000, pumang-apat sa laban si Mount Pulag.
Sunod na ginabayan sa panalo ni Pabilic si Den Deren Denden sa isa pang PRBHS na ikinasa sa pang-anim na karera. Sumikwat din ng karagdagang P10,000 premyo si Den Deren Denden na inirehistro ang 1:27.2 sa 1,400 meter race.
At ang pangatlo ay si Treasure Hunting na sa PRBHS din nagwagi, pinasibat ito sa Race 9.
Mas mabilis ang tiyempong inilista ni Treasure Hunting na 1:24.2 sa 1,400 meter, P10,000 din ang kanyang naiuwi.





Comments