JOAQUIN, NAGSALITA NA SA P1 BILYONG GINASTOS RAW NG PAMILYA SA BAKASYON-GRANDE SA EUROPE
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 14, 2022

Itinanggi ni Joaquin Domagoso na inabot ng isang bilyong piso ang ginastos ng kanyang pamilya during their vacation sa Europe recently.
Si Joaquin ay anak ni former Manila Mayor Isko Moreno, sa mga ‘di pa nakakaalam.
“One billion (peso)? Paano namin magagastos 'yun? Imposible namang makagastos ka ng isang bilyon sa Europe? Hindi naman ganu'n,” pahayag ni Joaquin.
Nakausap namin si Joaquin sa premiere night ng short film titled Al Coda directed by Njel de Mesa na pinagbibidahan nina Gerald Santos at Marion Aunor. Mapapanood sa YouTube channel ni Direk Njel ang Al Coda.
Sad to say, nabitin si Joaquin sa pagpunta ng pamilya niya sa Europe. Hindi pala siya nakasama sa simula ng travel. Humabol na lang siya sa ika-tenth day ng family vacation nila roon.
“Wala, eh, wala akong magawa kundi panoorin lang ang mga posts nila sa Facebook.
Nagpunta sila sa London, sa Belgium, habang ako naman, nasa bahay, umiiyak, kasi nandu'n na sila,” sabi ni Joaquin.
Nanood daw ng musical plays sa Europe ang pamilya ni Isko.
“I only ended up in Paris (France). Doon na ako sumunod,” tsika pa niya.
Boring para kay Joaquin ang Paris. Hindi niya na-enjoy ang tinaguriang City of Love.
“Sa buong trip kasi, they are all together. By that time, konting kasawaan na sila. So, by the time they get to Paris, relaxed na sila."
Seventeen days daw nag-stay sa Europe ang pamilya ni Isko, habang si Joaquin ay 5 days lang ang inilagi sa Paris.
Anyway, kasama ni Joaquin sa premiere night ang fashionista niyang manager na si Daddy Wowie Roxas with his other talents gaya ng magkapatid na sina Javi Manuel at Sophia de Leon plus John Benitez.





Comments